Angelite Gemstone: Pangtanggal ng Galit at iba pa

0
107

Ang Angelite ay isa sa mga batong kulay mapusyaw na asul na iniuugnay sa pagpapagaling ng galit. Ang paghawak lang sa magandang batong ito ay madali nang magpapakalma sa iyo. Pinatataas din nito ang antas ng kamalayan ng tao. Tinutulungan nitong maibalik ang panlabas at panloob na pagkakaisa, at pinagkakaisa tayo sa ating pakiramdam. Kumakatawan ito sa kapayapaan at pagkakapatiran. Ito ay napakahusay na bato sa pagtataguyod ng maayos na pagtulog at panaginip.

 
Sa pangkaisipan, ang Angelite ay tumutulong sa iyong sabihin ang katotohanan. Nagtataguyod ito ng komunikasyon at self-expression. Tinatanggal nito ang takot, galit at pagkabalisa at pinapalitan ito ng pananampalataya at katiwasayan. Ang Angelite ay humihimok sa pagpapatawad. 

Sa ispirituwal, ang Angelite ay puno ng awa. Lumilikha ito ng malalim na pakiramdam ng kapayapaan at katiwasayan. Tumutulong ito na makakonekta sa pandaigdigang kaalaman at muli, pinatataas nito ang kamalayan. Ang Angelite ay pinasisigla ang pagpapagaling at nagbubukas ng psychic channeling. 

Ang Angelite gemstone ay ginagamit para sa mga benepisyong ito: 
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
– Ang Angelite ay isang batong nagpapagaling 
– Nagtataguyod ng awa at pang-unawa 
– Tumutulong sa iyong magsabi ng totoo kapag nahihirapang gawin ito

– Mabuti ito para sa mga malikhaing tao 
– Panloob na gabay 
– Pinapalitan ng pananampalataya ang takot  
– Nagbibigay proteksyon sa kapaligirang nakapalibot sa iyong katawan

– Magagamit itong pangtanggal ng pamamaga ng lalamunan

– Nagkukumpuni, naglilinang ng tissue at itinatama ang mga kakulangan sa dugo at tumutulong na baguhin ang blood vessels 
– Ang Angelite ang bumabalanse sa tubig sa iyong katawan at maaaring umaktong isang diuretic  
– Nakatutulong ito sa pagbabawas ng timbang at nakikipag-ugnayan pagtikular na sa baga at mga kamay

– Ang Angelite ay maaaring gamitin sa sakit ng ulo, sa circulatory system, sa mga tungkulin ng puso at sa mga nakakahawang sakit  

Ang mga manggagamot ay ginagamit ang Angelite upang alisin ang harang ng mga daanan ng enerhiya. Ang Angelite ay nagdadala ng kapayapaang panloob, katiwasayan, pagkalma at pokus . Napakagandang panatilihing malapit ito sa iyo kapag nais kumalma mula sa nararamdamang pagkabahala o takot.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here