Angel, tsugi na sa teleserye ng KathNiel

0
387

HINDI pa man lumalabas ang episode kung saan maglalaban talaga sina Supremo at Jacintha ay mayroon ng patunay na magtatapos na ang role ni Angel bilang Jacintha dahil nag-blowout na siya sa kanyang mga kasamahan sa La Luna Sangre dahil @iammanginasal for may pa-last-day sa #La Luna Sangre.

Hindi man si Angel ang bida sa palabas na La Luna Sangre, parang masakit pa ring isipin na mamamatay na siya lalo na’t ang tambalan nila ni Richard Gutierrez ang talaga namang nagpakilig sa manonood. Sorry sa fans ng KathNiel pero iyon naman talaga ang naramdaman ko sa panonood ng La Luna Sangre. Kahit nga ngayong magkaaway na sina Supremo at Jacintha ay may kilig pa rin silang ipinapadama sa mga tao.

Iyon nga lang, talagang kahit gaano pa kaganda ang kanilang tandem, hindi pa rin maaaring maging sila sa palabas na La Luna Sangre. Kumbaga, walang forever sa tambalang Angel at Richard. Mortal silang magkalaban dito kaya kahit nagawang patibukin ni Jacintha dati ang puso ni Supremo, mas matindi pa rin ang galit na kanyang mararamdaman sa kaalamang magkaaway sila ng babaeng kanyang nagugustuhan. Kaya, sa halip na mag-ibigan ay malaki ang posibilidad na magpatayan lamang sila. O maaari rin namang ibinuwis ni Jacintha ang kanyang buhay para kay Malia.

Sana na lamang, sa pag-alis ni Angel sa teleseryeng La Luna Sangre, mayroon ulit magbukas na pinto para sa kanya. Sana rin ay kasama niya roon si Richard dahil kahit ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin talaga naglalaho ang kanilang spark. Sa kanilang pagtititigan pa lamang ay mararamdaman mo na ang emosyon na nakapaloob doon.

Gayunpaman, alam naman nating lahat na hindi naman sila at hindi sila nagkaroon ng relasyon. Talaga lamang magaling silang umarte at sapat na iyon para magawa silang tanggapin ng mga viewers.

So, sana ay hindi magtapos lang sa La Luna Sangre ang tambalan nina Richard at Angel dahil talaga namang marami silang fans na siguradong matutuwa kung sila na uli ang magiging bida sa mga serye. Dahil aminin man natin o hindi pero ang tambalang Angel at Richard and dahilan kaya tumaas ang ratings ng La Luna Sangre. Kahit kasi bida na ang KathNiel ay parang hindi pa rin nila magawang pakiligin ng husto ang manonood. Siguro dahil ang istorya ay hindi naman talaga nakatutok sa kanilang pag-iibigan kundi sa kanilang pakikipaglaban.

Para malaman natin ang tunay na dahilan kaya nagpa-party na si Angel Locsin para sa kanyang huling araw, makabubuting huwag na huwag nating kaliligtaan na panoorin ang La Luna Sangre, lunes hanggang Biyernes.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here