Ang Zodiac Sign Na Pinaka Aktibo Sa Sex

0
548

Latest posts by Madame Yna (see all)

Kung kilala mo ang isang Scorpio bilang seryosong tao na nakatuon ang buong atensyon sa trabaho, pagpapayaman at pagtupad sa kanyang mga pangarap, hindi mo iisipin na marami siyang oras at marami siyang ideya pagdating sa sex. Malalaman mo ito kung magkakaroon ka ng karelasyon na isang Scorpio. Kung gaano kalaki ang pagpapahalaga niya sa kanyang trabaho ay ganoon din kalaki ang pagpapahalaga na ibinibigay niya sa pakikipagtalik. Kung ikaw yung tipo na mahiyain pagdating sa kama at nahihiya kang i-voice out sa kanya ang iyong sex fantasy, huwag kang mag-alala dahil ang Scorpio ay daig pa ang manghuhula. Sa galawan mo pa lang ay malalaman na niya kung ano ang makakapagpasaya sa’yo. Kung paano siya kikilos sa kama para maibigay sa’yo ang kasiyahan na hindi mo pa nararanasan sa tanang buhay mo. May abilidad siya sa pakikipagtalik na hindi mo matatagpuan sa ibang zodiac signs.

Hindi siya yung tipo na magbibigay ng puwang sa boredom during your sex. Hindi lang iba’t-ibang posisyon ang kanyang alam kundi nag-uumapaw din ang ideya niya kung paano ka niya lalaruin sa kama. Para siyang manunugal na siyang may hawak ng alas. Kung gusto mo naman na ikaw ang masunod , wala kang dapat ipag-alala dahil hindi ito problema sa kanya. Pagbibigyan ka niya at kaya niyang sakyan anuman ang trip mo. Pwede rin siyang maging sunud sunuran sa’yo. Kung gusto mo ng soft sex o rough sex or even hard sex ay kaya ka niyang tapatan.

Ang pagtingin niya sa sex ay tulad din kung paano niya tingnan ang kanyang ambisyon sa buhay. Kung gaano siya kaaktibo sa pagtupad sa kanyang pangarap ay ganoon din siya kaaktibo sa pagtuklas ng marami pang bagay tungkol sa sex. Hindi siya yung tipo ng tao na makukuntento na walang sex life. Kaya kung isang Scorpio ang iyong kapareha ay siguraduhin mo na maibibigay mo ang pangangailangan niya anytime, anywhere kung ayaw mo na magkulang siya sa sex at makaisip na humanap ng ibang kapareha.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here