Ang Unang Laban Ni Lakas Sa “BAGANI”

0
539
Ang Unang Laban Ni Lakas Sa “BAGANI”

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Matapos tayong paibigin ng tambalan Enrique Gil at Liza Soberano o LizQuen sa kanilang Dolce Amore noong 2016 muli na naman natin silang makakasama sa kanilang pinakabago at naglalagablab na fantaserye, ang BAGANI. Sa trailer pa lang ay makikita na natin ang tagisan ng kanilang mga lakas. Mga iba’t-ibang katauhan na may iba’t-ibang pangalan na kinabibilangan din ng mahuhusay na aktor sa industriya tulad nina Makisig Morales, Sofia Andrea at Matteo Guidicelli.

Ang Unang Laban Ni Lakas Sa “BAGANI”Hindi ito ang unang teleserye na may kaugnayan sa kapangyarihan ng kalikasan. Nauna na rito ang Amaya at Encantadia. Ayon sa mga netizen, katulad lang din ito ng naunang dalawang teleserye. Pero ayon sa aking sariling pananaw, mukhang maraming dalang pangako ang Bagani na sa aking palagay ay maghahatid sa atin sa makalumang Pilipinas. Bagamat ang nasabing serye ay may temang supernatural, inaasahan na lulutang pa rin ang mga kulturang Pilipino na ating ipinagmamalaki mula noon hanggang ngayon .Hindi lamang din tagisan ng lakas ang maipamamalas kundi tagisan rin ng utak. Sa unang pasilip ay agad sumabak sa kanyang unang laban ang batang si Lakas. Sa kanyang murang edad ay naranasan niya kung paano pagtulungan at pagkaisahan dahil sa isang maling bintang. Subalit, sa kabila nito ay sinanay pa rin siya ng kanyang ama upang balang araw ay maging isang mandirigmang may dangal.Hindi man naipagtanggol ni Lakas ang kanyang ama sa hinarap nitong kamatayan, ipinangako naman niya sa sarili na ibabalik niya ang Ang Unang Laban Ni Lakas Sa “BAGANI”dignidad ng kanilang angkan. Ang kuwento pa lang ni Lakas ang ating natunghayan ngayong gabi kaya sa mga susunod na gabi ay asahan na makikilala naman natin ang iba pang karakter na bibida sa seryeng ito.

Bago pa ang unang gabi ng pag-ere ng Bagani ay nagkaroon na agad ito ng bahid kontrobersyal dahil sa pag-alma ng CHED (Commission on higher education) ukol sa hindi akmang kahulugan ng Bagani . Ayon sa kanila, ang bagani ay isang terminolohiya ng mga manobo na ang pakahulugan ay tribal warriors na lumalaban sa mga banta sa kanilang komunidad. Kaugnay nito ay umalma rin ang Armed Forces of the Philippine dahil sa umano ay maling paggamit ng paramilitary group na Magahat- Bagani. Agad naman itong sinagot ng ABS-CBN Star creatives Mark Angos, na ang palabas ay hindi tungkol sa sinaunang Pilipinas kundi isang fictional world na tinawag nilang Sansinukob. Kaya naman bago pa ito ipalabas ay naglagay sila ng paalala sa mga manonood na ito ay kathang-isip lamang at hindi tumutukoy sa indigenous people ng bansa.

Bukod sa tambalang LizQuen, siguradong marami rin ang nag-aabang sa pagbabalik ni Makisig Morales na noong huli kong napanood ay napakabata pa sa seryeng Super Inggo. Sa Bagani siya ay makikilala natin bilang si Dumakulem ( taga-gubat). Kaabang-abang din ang pagganap nina Sofia Andres bilang Mayari na taga-Laot at Matteo Guidicelli bilang Lakam na taga-Kalakal.At siyempre pa sina Enrique Gil bilang si Lakas (taga-disyerto) at Liza Soberano bilang Ganda ( taga-patag). Hintayin natin kung paano magsasama-sama ang limang bayaning ito ng kani-kanilang mga lahi para maging tagapagtanggol ng sansinukob gamit ang lakas ng bawat elemento. Ito ay sa pagdidirehe ni Direk Richard Arellano at Lester S. Pimentel.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here