ANG UFO SIGHTINGS SA BANSANG JORDAN

Ravenson Biason

Nailathala noon sa front page pahayagang Al Ghad na lumapag umano ang UFO malapit sa disyerto ng bayan ng Jafr. Sinasabi sa ulat na ang mga aliens ay gumala sa buong bayan, sinabotahe umano ang komunikasyon doon at nagbigay ng takot sa mga residente. Na ang mga ito’y nagpuntahan sa mga lansangan na nagpapanic.

Kaya naman, tinawag naman ito ng pahayagang The Telegraph na ‘Alien April Fool’s na nagsasabing binisita ng 10 aliens ang bayan noong hatinggabi ng buwan ng Abril 2010, na nagdulot ng takot sa buong bayan ng Jordan.

Ang alkalde ng Jafr na si Mohammed Mleihan ay kumagat sa lathala ng naturang pahayagan kung kaya nagpadala ito ng security authorities upang hanapin ang mga aliens. “ Ang mga estudyante ay hindi na pumasok sa paaralan, ang kanilang mga magulang ay natatakot. Pilalikas ko muna ang 13,000 residente dahil natatakot silang sasalakayin ng mga aliens” pahayag ni Mleihan.

Ang Jordanian security officials ay nagsalita tungkol dito na nasa kondisyon ng naturang misteryo upang mailatag ang isyung seguridad sa naturang pook. Kaya naman, ang emergency plan sa Jafr ay ipinatupad na hinggil sa pag-atake umano ng mga alien.

Sinabi pa ng alkalde na tinitimbang pa niya ang nailathalang artikulo ng pahayagang Al Ghad kung totoo o hindi. Subalit, kapag napatunayan niyang gawa-gawa o biro lamang ang naturang artikulo’y malamang na ihabla niya ito dahil sa nagawang perwisyo at takot sa mga residente. Kailangan umanong humingi na ng paumanhin ng pahayagan dahil sa kritikal nitong biro.

Ang managing editor naman ng naturang pahayagan na si Moussa Barhoumeh ay nagnanais pakalmahin ang sitwasyon. Sinabi niya na ang ulat ay isang “Blown Out Proportion” na nagnanais lamang na mag-aliw ng tao at hindi para takutin. Ang naturang hoax ay nagbibigay tuloy ng paggunita noon sa 1938 Radio Broadcast ng War of the Worlds na nagdulot noon ng panic sa Estados Unidos.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here