ANG UFO AT ROYAL WEDDING NINA PRINCE WILLIAM AT KATE MIDDLETON CONNECTION

Isang retiradong U.S Air Force pilot ang kakatwang nagpahayag na binisita umano ng UFO ang nakaraang Royal Wedding nina Prince William at Kate Middleton. Ang naturang piloto ay si Major.George Filer, na nagsabing halos mayroong naitalang 1,000 kaso ng UFO sightings na naitala ng National UFO Center kada buwan.

Aniya, ang mga UFO sighting ay karaniwan na lamang kapag may mga okasyon ng national at international na sadyang pamoso sa daigidg gaya nga ng naganap na Royal Wedding.

Ang craft o flying saucer ay sadyang interesado sa mga kaganapan dito sa ating daigdig. Sa kanilang pagmamatyag ay lubhang mahalaga sa kanila (UFO) ang kanilang nakikita. Nasilayan naming sa Libya kamakailan ang isang UFO. Gayundin sa malapit sa pinangyarihang lindol at tsunami sa bansang Japan noong Marso 11, 2011. “pahayag ni Filer sa pahayagang The Sun.

Aniya, ang Royal Air Force pilots ay inabisuhan na nila ng paglobo ng mga UFO activity sa English Channel at huli ngang nasilayan noong ika-29 ng Abril 2011 sa mismong pamosong kasal ng Royal Couple. Bago pa man nakita ang UFO sighting nina Filer ay ipinahayag na niya bago ang kasal ng dalawa na dadalawin tiyak ito ng mga kakatwang nilalang sakay ng kanilang fying saucer.

Sa panayam pa kay Filer, ipinahayag niya na una siyang nakita ng UFO noong una niyang  naka-daupang palad  si Prince Philip noong taong 1960’s Aniya, mga bandang taong 1961 o 1962 raw iyon noong siya ay piloto pa sa tanker.

Aniya, niyaya siyang makasalo ng naturang prinsipe sampu ng kanyang mga kasamahan upang mapag-usapan ang tungkol sa UFO at mga alien. Sinabi sa kanya ng naturang prinsipe na ang tiyuhin nitong si Earl Mountbattan ay nakita na umano ng UFO ng personal. Ang imbestigador ng crop circle na si Colin Andrews ay sinusugan ang pahayag ni major Filer tungkol sa pagkahumaling ng Royal Family sa mga alien.

Aniya, intesado sina Prince Philip at Queen Elizabeth na pag-usapan ang tungkol dito batay na rin sa kanilang personal na karanasan tungkol sa UFO sightings. ‘I have numerous documents attesting to that, even though Nick Pope, the head of the UFO project of the Ministry of Defense, publicly stated the queen and the government had no official interest in UFOs.”

I believe he was under instruction to make that statement and he later confirmed that during a live interview with the BBC’,” pahayag ni  Mr Andrews.

SHARE
Previous articleMga Imahe Ng Santo Na Hindi Nabasbasan, May Hatid Nga Bang Kamalasan?
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 24, 2020
Ravenson Biason: Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here