Ang Tunay na Layunin ng Nambabarang

Maminsala, ito layunin ng taong nambabarang. Iyon nga lang, ang hindi ang ari-arian mo ang kanyang pipinsalain kundi ang iyong katawan. Maaari siyang maglagay ng kung anu-anong insekto sa’yong katawan ng di mo nalalaman. Higit ang kapangyarihang ginagamit ng Mambabarang sa Mangkukulam.

Karaniwan kasi, kapag kinukulam ka ay pinasasakit lamang ang mga bahagi ng iyong katawan samantalang sa barang, susugatan ka na at magpapasok pa ng kung anu-anong insekto o gamit sa loob ng iyong katawan. Kaya, kung hindi mo nalis iyon ay maaari kang mamatay.

Nang nagtatrabaho pa ako sa opisina, may naikuwento sa akin ang officemate ko. Ang kapatid niya ay isang guro at mayroong estudyanteng napagalitan. Marahil, masyadong dinamdam ng estudyanteng iyon ang masasakit niyang nasabi kaya naman naisipan nitong maghiganti sa kanya. Nang sumunod na araw daw ay sumakit ang kanyang lalamunan. Hindi na siya makapagsalita at nahihirapan na rin siyang makalunok. Nagpunta siya sa doktor para patingnan ang kanyang kalagayan pero wala namang makitang diprensiya sa kanya.

Hanggang sa naisipan ng kaopisina ko na ayain siya sa isang magaling na albularyo. At ang resulta nga ay mayroong taong gumagawa ng masama sa kanya. Ang sabi sa kanya ng albularyo ay mayroong taong sobrang nagalit sa kanya. Sa pagsusuri nito sa kanyang kalagayan ay pinalubog siya nito sa isang napakalaking balde at pag-ahon niya ay may kasama na siyang bola ng pingpong.

Ang bola ng pingpong na iyon ang inilagay ng mangbabarang sa kanyang lalamunan para hindi siya makapagsalita at di na rin makakain. Ayon sa albularyo, layunin talaga ng nambarang na iyon na siya ay patayin. Kung hindi kasi naisip na mayroong nambarang sa kanya, di siya mapapagaling. Tanging ang magaling na albularyo lang kasi ang makapagpapagaling sa kanya.

SHARE
Previous articleMga Numero, Di mo Kailanman Matatakasan
Next articlePERSONALIDAD NG ISANG TAO, BUKING SA KLASE NG KANIYANG BUHOK!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here