ANG “THE ARYAYEK TIME TRAVELLING MACHINE”

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Latest posts by Ravenson Biason (see all)

Isang Iranian ang naglalayun at pangarap noon na makagawa ng isang pambihirang equipment— ang time machine. Kaya naman, isang Iranian scientist sa Tehran sa katauhan ni Ali Razeghi na makalikha ng totoo at hindi pangarap lamang na time machine na maaaring ihatid ang isang indibidwal na makapunta sa walong taon sa hinaharap. Pahayag ni Razeghi, malaon na niyang ginagawa ang aparato upang maisakaturapan ang kanyang pangarap.

Makalipas ang ilang taon, inihayag ni Razeghi na nagawa na niya ang time machine na tinatawag na “The Aryayek Time Travelling Machine”, na nairehistro sa kanyang pangalan sa Center for Strategic Inventions run Iran. Ang naturang machine ayon kay Razeghi ay may 98 porsiyentong accuracy.

Sinasabing ang machine ay pwedeng ikonekta sa PC case upang dalhin ang gumagamit nito sa hinaharap. Aniya, ang pinakamahalagang benepisyo ng nasabing device ay maaaring malaman o mahulaan ng bansang Iran ang military confrontation. O dili kaya’y ang pagpapahayag ng pagtaas at pagbaba ng ilang currencies sa mundo. Bukod dito, maaari ring malaman ang presyo ng langis.

My invention easily fits into the size of a personal computer case and can predict details of the next 5-8 years of the life of its users. It will not take you into the future, it will bring the future to you,” aniya.

Ayon pa sa siyentipiko, maaaring malaman ng mga nasyon ang hinaharap ng kanilang bansa, sa gayun ay mapaghandaan nila ito. Iaasahan na rin aniya na mabibili sa merkado ang time machine kapag maraming indibidwal ang naghahangad na magkaroon nito.

Ayon pa kay Razeghi, ang kanyang proyekto ay hindi aprubado o hinahangaan ng kanyang mga kaibigan at kapamilya sa kadahilanang suntok sa buwan ang kanyang imbensiyon; at tila inuunahan pa ang Diyos sa maaaring mangyari. Gayunman, niliwanag ni Razeghi na wala siyang intensyong labanan ang dogma ng relihiyon. Aniya, ang mga Americans rin aniya ay malaon nang nagtatangka na gumawa ng time machine sa loob ng ilang taon ay nagsasayang lang ng milyones na dolyar, habang ang imbensyon niya ay halos kalahati lang ng nagastos ng nasabing bansa.

May agam-agam din siyang ilabas pa ang kanyang naimbentong device o prototype nito sa pangambang baka kunin ng bansang China ang ideya at gumawa ng sariling time machine at maglabas ng ilang bilang nito sa merkado.

“The reason that we are not launching our prototype at this stage is that the Chinese will steal the idea and produce it in millions overnight,” aniya.

Bukod kay Razeghi, ilang Russian scientists din ang nagpahayag na nakagawa sila ng First Quantum Time Travel Machine.

SHARE
Previous articlePamahiin Sa Kalamidad
Next articlePamahiin Baby: Alagaan ng husto
Ravenson Biason: Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here