Ang Susi ng Iyong Panaginip Ayon Kay Maestro Honorio Ong (Part 1)

Avatar

Ikinagagalak ko ang isang napakagandang pagkakataon na makasama at makuhanan ng video ang isa sa mga kinikilala sa larangan ng psychology dito sa Pilipinas, siya ay walang iba kundi si Maestro Honorio Ong. Si Maestro ay kumuha at nagtapos ng BS pyschology at Master of Arts in Psychology sa Far Eastern University. Siya ay nakasulat na ng apat na libro ng ‘Sekreto ng Kapalaran’ at kasalukuyang ginagawa ang panglima. Sa kasalukuyan din ay nagsusulat siya sa dyaryo ng Bulgar at sa online publishing , dito sa Philippine One. Ang video na aming ginawa ay naglalaman ng mga paliwanag ni maestro tungkol sa kung paano mag-interpret ng isang panaginip. Ayon sa kanya,madali lang mag-interpret kung matututunan mo ang kahulugan ng natatagong pagkatao mo. Ayon pa kay maestro, sa psychology, sinasabing may dalawang pagkatao ang isang indibidwal. Ang dalawang pagkataong ito ang susi sa kung paano ka nananaginip. Una ay ang unconscious self at ang  pangalawa ay ang conscious self. Ang conscious self ay ang siyang araw-araw nating nararanasan. Ibig sabihin ng conscious ay aware tayo, naglalakad ka, nagsusulat, nagbabasa, iyan ang mga aware ka o alam mo. Ito ang pang araw-araw nating ginagamit na pagkatao. Pero ano nga ba ang nangyayari sa panahong  tayo’y natutulog? Kapag tayo raw ay natutulog, namamahinga si conscious self. At sa kanyang pamamahinga, lumalabas naman si unconscious self. At si Unconscious self ang nananaginip. Paano mo iinterpret ang iyong mga panaginip? Kailangang makilala mo si unconscious. Siya ang isang pagkatao mo na hindi mo nakakasama sa panahong ikaw ay gising. Ngunit siya ay nakakasama mo sa panahong ikaw ay natutulog. Sa kanya nagsisimula ang lahat ng mga panaginip.Inilalabas ng sarili mo ang mga natatago niyang takot, pag-aalinlangan, at mga nais mangyari sa kanyang buhay.

Ang isang halimbawa ng pag-iinterpret ng panaginip na ibinigay ni maestro ay ang tungkol sa panaginip na umaakyat ka sa hagdanan, umaakyat ka sa bundok, o umaakyat ka sa isang mataas na lugar. Ano ba ang nais ipahiwatig ni Unconscious self kapag ganito ang iyong panaginip? Ang ibig sabihin daw ni unconscious self, may mga ambisyon ka na malapit mo nang maabot. Pero dahil hindi ka marunong mag-interpret kaya kahit mapanaginipan mo ang mga ito ay hindi ka pa kumikilos. Kung matututo raw tayo na mag-interpret ng mga panaginip na siyang ituturo ni maestro sa atin sa mga artikulo niya sa Philippine One, kapag nanaginip ka ng pag-akyat sa mga matataas na lugar ay magagawa mong kumilos dahil indikasyon ito na malapit na malapit na sa iyo ang pangarap mo. Si Unconscious self ang nagsasabi kay conscious self na ikaw ay magtatagumpay at magiging maligaya.

Unang bahagi lang po iyan ng video ni Maestro Honorio Ong at may ikalawang bahagi pa po na dapat nyo pong abangan kung saan ay sasabihin naman po niya ang ilang bagay tungkol sa nilalaman ng mga sinulat niyang aklat. Maraming salamat po kay Maestro at maraming salamat din po sa lahat ng nagbasa at nanood ng video.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here