ANG SUPER “CARROT JUICE”

0
67

“WHAT’S up, doc?” – Bugs Bunny

Itoang pinasikat na linya ni Bugs Bunny, isa sa paboritong cartoon characters ng anak kong babae. Bukod sa linyang ito, kilala din si Bugs Bunny sa pagkain ng carrot. At sa tuwina, ito ang itinatanong ng aking anak kung bakit mahilig itong kumain ng carrot. Ang sagot ko, “Para luminaw ang mga mata ni Bugs Bunny ay kumakain siya parati ng carrot.”

Sa totoo lang, hindi isang kathang-isip na ang pagkain ng carrot ay nagpapalinaw sa iyong paningin. Ang carrot ay nagsu-supply ng vitamin A sa katawan ng tao na mahalaga sa pagpapanatili ng maayos na paningin. Ang kakulangan sa vitamin A ay maaaring magdulot ng problema sa paningin tulad ng night blindness.

Alam n’yo ba na ang eight ounces ng carrot juice ay nagtataglay ng higit sa 800% ng kailangang pang-araw-araw na dosage ng vitamin A ng ating katawan? Ang vitamin A ay mahalaga at kailangan para sa paglago ng tissue sa katawan, lalo na iyong nasa loob ng buto. Ang spinach ay mayaman ding pinagmumulan ng  ng vitamin A. Ang pagkakanaw ng spinach juice na may kasamang carrots ay magbibigay ng vitamin A mega beverage. Ang vitamin A ay mahalaga din sa mga buntis at sa sanggol na nasa sinapupunan. Pero kahit na ang vitamin A ay mahalaga sa katawan ng tao, importante din na katamtaman lang ang dami ng vitamin A sa katawan, dahil ang sobra nito ay maaaring magdulot ng liver toxicity at iba pang problemang pangkalusugan. Marami pang benepisyo ang carrot juice at narito sila para sa inyo:

10 Benepisyo ng Carrot Juice:

  1. Ang carrot juice ay mas kaunti ang taglay na calories at napakahusay sa nagbabawas ng timbang.
  2. Ang paggana at kalusugan ng atay at digestive tract ay mas bumubuti sa pag-inom ng carrot juice.
  3. Ang carrot juice ay may Vitamin E na tumutulong sa pagpigil sa cancer.
  4. Ang mga kirot at sakit na iniuugnay sa pagtanda ay nababawasan sa pag-inom ng carrot juice.
  5. Ang Vitamin A na taglay ng carrot juice ay nagpapabuti sa paningin at tumutulong sa bone disorders, osteoporosis, etc.
  6. Mayroon itong potassium na tumutulong laban sa cholesterol.
  7.  Napakahusay ng benepisyo nito sa atay dahil binabawasan nito ang taba at bile sa atay.
  8. Ang carrot juice ay nagpapalusog at nag-aayos ng kulay ng balat.
  9. Napakayaman ng carrot juice sa beta-carotene na isang antioxidant at pinipigilan nito ang cell degeneration. Ang pagtanda ay pinababagal din nito.
  10. Ang carrots ay may beta-carotene na siyang ginagawang Vitamin A ng ating katawan. Ang natural na vitamin A na ito ay napakabuti sa ating katawan. 

a

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here