ANG SKY BURIAL NG MGA BANGKAY SA TIBET

Ang paglilibing sa isang taong namatay ay karaniwang malungkot sa naiwang mahal sa buhay kapag ito’y inihatid na sa kanyang huling hantungan. Subalit, sa naturang pook, ay mas mainam na umanong ipakain ang corpse o bangkay ng isang yumao sa mga gutom na ibon, gaya ng agila at hayok gaya ng mga buwitre.

Ang tinaguriang ‘Sky Burials’ ay karaniwan ang ginagawa sa mga kabundukan sa Tibet. Ito ay dahil sa religious at practical na rason ng mga taga-roon. Karaniwang ang bangkay ay inilalagay sa tuktok ng bundok at hinihiwa ang iba’t-ibang parte ng katawan nito.

Habang ginagawa iyon ay nakaabang naman ang ilang agila’t buwitre na kapag tapos na ang seremonyas sa naturang patay at hinayaan na o iniwan ng mga tao’y lalantakan na nila ito. Sa atin ay masakit na senaryo kung iisipin, ngunit panatag naman ang gumawa nito dahil sa paniniwala’t prinsipyo.

Karamihan kasi sa mga Tibetans ay mga Buddhist na naniniwala sa rebirth o sa siklo ng pagsilang uli ng isang taong namayapa na. Kapag ang isang tao nila ay namatay, ang katawan ng mga ito ay itinuturing nang isang kahon na wala ng laman na kailangang itapon. Mas mabuti sa kanila na ipakain na lang sa mga nilalang na may buhay ng kalikasan ang naturang bangkay.

Ito aniya ay tanda ng pagiging mapagbigay (Jhator) ng isang namayapa na kung saan ay inaalok ang kanyang katawang wala ng buhay para ikabubuhay ng ibang nabubuhay na nilikha (Paramita). Karaniwan na ritong nakikinabang ay ang mga birds of prey na mga agila at buwitre nga. Mas karaniwan itong tradisyon ng mga Tibetans kaysa sa cremation.

Sa mga bumabatikos sa kanilang burial practice ay tahasang sinasabi ng mga Tibetan; na ang katawan ng tao o laman nito ay balewala kumpara sa espiritu. Noong ang Tibet ay nasa ilalim ng pamamahala ng People’s Republc of China (noong 1950’s), ipinagbawal na ang ganitong kaugalian dahil masyadong barbaric ito para sa mga patay.

Ngunit, muli itong pinahintulutan noong 1980’s. Ang hindi mga Tibetans ay hindi pinahihintulutang gawin iyon at ang direktang pagkuha ng larawan ay itinuturing na paglapastangan at ipinagbabawal. Ngunit, may pinapayagan din depende sa ibinibigay na kadahilanan na kailngang makabuluhan sa mga Tibetans.

Ang may karapatan lamang na humiwa ng bangkay ay ang mga monghe o mga Rogyapas, Nagsususnog din sila ng juniper tree para sa insenso. Kaugnay sa kaugaliang ito ng mga Tibetans, ang naturang practice na Jhator ay ginawan ng film na kung saan ay may permiso sa pamilya ng ginawan nito para sa documentary ni Frederique Darragon na “Secret Towers of the Himalayas” na ipinalabas na sa Science Channel.

Ipinagbawal lamang sa naturang documentary film na kunan ng camera ang mukha ng naturang bangkay habang hinihiwa ito na parang sliced bread. Kailangang malayo ang anggulo habang kinukuhanan ng camera ang jhator.

SHARE
Previous articlePamahiin Luha: Paalala sa mga Naiwan
Next articleKahulugan ng mga Panaginip 34
Ravenson Biason: Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here