Ang Simbahan, Bibliya at si Jesus

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Cherry tungkol sa Simbahan, kay Jesus at sa Bible.

Dear Maestro,    

Napanaginipan ko po na nandoon po ako sa loob ng Simbahan. Tapos nakita ko po si Jesus na nakasakay sa ulap, puti ang damit. Lumapag po siya sa labas ng Simbahan. Tapos pumasok siya sa loob ng Simbahan, inabot po niya sa akin ang isang bible na kulay brown, saka po siya umalis. Ano po ang kahulugan nito?

KASAGUTAN:

Sa Makaluma o Pang-tradisyunal na interpretasyon, kung saan, dahil sa  Simbahan natin kadalasang dinudulog o sinasabi sa Diyos ang ating mga kahilingan, malalim na sa loobin at mga problema, ang Simbahan ay simbolo ng  “healing process”. Ibig sabihin, anuman ang problema mo sa kasalukuyan, unti-unti na itong malulutas o maglalaho.

Ang ikinaganda pa sa iyong panaginip, Cherry, ay dumating si Jesus, na kung saan, alam naman nating lahat na si Jesus ay makapangyarihan at sa mga Katoliko, si Jesus ay siya ring Diyos anak, na nangangahulugan lamang na sa malapit na hinaharap, mala-himalang malulutas ang lahat ng iyong mga problema sa tulong mismo ng kapangyarihan ng Diyos.

Ang  “aklat” naman sa panaginip ay nagpapahiwatig ng “karunungan at pagkaunawa”. Ngunit, dahil hindi naman pangkaraniwang aklat ang iyong napanaginipan kundi ang mismong Bible o ang Bibliya, ito ay nagpapahiwatig na sa pagkaunawa sa iyong pananampalataya, kung anumang relihiyon ang iyong kinaaniban ay may “misyon kang dapat na gampanan” na siya ring ipinapagawa sa iyo ni Jesus sa iyong panaginip.

Maaari rin namang lumutang sa iyong panaginip ang Bibliya, na siya ring naglalaman ng buong doktrina ng Sangkakristiyanuhan, dahil sinasabi sa iyo ng inyong unsconscious self na  “sa pagawa ng kabanalan o kabutihan sa iyong kapwa at sa pagsunod sa relihiyong iyong kinaanibang tulad ng nasabi na, kusang malulutas at masusolusyunan ang mga problema mo sa kasalukuyan. At maaari rin naman sa pagiging “deboto kay Jesus at sa Mabuting Balita” doon mo masusumpungan ang kapayapaan ng isip at ang wagas na kaligayahan.” 

At tulad ng nasabi na sa itaas, maaari rin namang “kaya nagpakita sa iyo si Jesus sa panaginip at inabutan ka ng Bible ito ay isang paanyaya sa iyong buhay na maglingkod ka sa Diyos o sa relihiyong iyong kinaaaniban.” At maaari ring ito ay isang paanyaya upang tumulong ka sa mga mahihirap o kaya’y magpahayag ng Mabuting Balita ng kaligtasan na ipinapangako ni Jesus sa bawat nilalang.

Samantala sa modernong Interpretasyon, o sa pang-psychology, na kahulugan ang Simbahan ay “kumakatawan sa isang lalaki” kaya nga kung anuman ang hinihiling o pinuproblema mo sa ngayon, “sa pamamagitan ng isang lalaki” malahimalang matututas ang iyong mga problema. 

Habang ang “Bible” naman ay nangangahulugang “divine authority”, na ibig sabihin, sa pamamagitan ng basbas at pagpapala ng Diyos, tulad ng nasabi na, malulutas ang iyong mga problema o kaya nama’y matutupad ng kusa ang mga dinadasal at hinihiling mo sa Maykapal. 

Si Jesus naman ay ang “kasukdulan ng ating pananampalatayang Kristiyano”, kung saan, mula sa kanyang pagsilang, ito ay ang Pasko; hanggang sa kanyang kamatayan, ito ay ang Mahal na Araw, ay ginugunita natin ito, dahil sa malalim na esensiya, ang buhay mismo ni Jesus ay siya rin patron ng buhay ng bawat Kristiyano sa mundo. 

Kaya nga ng lumabas sa iyong panaginip si Jesus ito ay tanda o paalala, na anuman ang mabibigat na problema at suliranin mo sa kasalukuyan, hindi ka dapat mabahala, hindi ka dapat matakot o hindi ka dapat kabahan, dahil ang “pagliligtas” o ang “resurrection” ay siguradong darating ng iyong buhay. 

At tulad ng nasabi na ang pagliligtas na ito ay kumakatawan din sa “malahimalang paglutas ng iyong mga problema, gaano man ito kabigat.”

Samantala sa iyong panaginip, ang isa pang maitatanong mo ay kung bakit nakasakay si Jesus sa kulay puting ulap?

Kaya, si Jesus ay nakasakay sa kulay puting ulap sa iyong panaginip dahil sa  mabibilis na mga pangyayari na magaganap.

Kung anuman ang suliranin at hinihiling mo sa buhay , agad-agad itong ibibigay sa iyo ng Diyos. Tulad din ng“pagdating ni Jesus sa Simbahan na nakasakay sa ulap at inabot sa iyo ang Bible” na nangangahulugan ngang sa isang “idlap”  basta’t mabuhay ka lang sa ngayon sa kabutihang asal at pagsunod sa mga utos ni Jesus, parang himala, malulutas ang lahat ng iyong mga suliranin gaano man ito kabigat at kasabay, ang lahat ng mga biyaya at mga pagpapalang dinadasal-dasal mo sa panahong ikaw ay nasa Simbahan ay kusa at agad sa iyong ipagkakaloob.

7 COMMENTS

  1. pwede po bang magtanong napanaginpan ko ppoc jesus…ang ama nya c mama mary at ang anghel nag dasal ako sa kanilang estatwa may dinasal ako tapos biglang dumilat ang kanilang mata masaya sila at sinang ayunan nila ang aking dasal basta nakangiti sila tapos oo ang sagot nila tapos may biglang dumating dali dali clang pumikit… please anong kahulugan nun?

  2. pwede po bang magtanong napanaginpan ko ppoc jesus…ang ama nya c mama mary at ang anghel nag dasal ako sa kanilang estatwa may dinasal ako tapos biglang dumilat ang kanilang mata masaya sila at sinang ayunan nila ang aking dasal basta nakangiti sila tapos oo ang sagot nila tapos may biglang dumating dali dali clang pumikit… please anong kahulugan nun?

  3. Pwde po bang magtangong lagi ko po napapanaginipan ang simbahan araw araw po tapos po yung una ko pong panaginip sa simbahan nasa simbahan po ako tapos po may patay ang daming tao yung ilaw po sa simbahan nakapatay ang buhay lang po na ilaw ay yung ilaw ng patay tapos po yung mga katabi ko po itim po silang tao gustong gustong gusto po akong lapitan ng mga classmate ko pero hindi po nila ako malapitan
    Tapos po mga makalipas lang po ang isang araw napanaginipan ko nanaman po yung simbahan amm NASA loob po ako ng simbahan may kasama po ako pero hindi ko sila kilala nakita ko po sa loob ng simbahan nagsisima si Fr. Sabay nya pong minimisahan yung patay tapos po yung bibinyagan tapos po sa kaliwa po mansion po yung bibinyagan tapos po kanan naman po nandoon po yung patay yung patay po nakalabas yung siko niya sa kabaong
    Tapos po mga isang araw po uli nanaginip Nananaman po ako ng simbahan may Patsy uli tapos po yung pa istyle po ng pwesto ng kabaong paharap hindi pa slide paharap po tapos po yung mga bulaklak lanta na tapos po marami pong tao may naka black po tapos po naka red tapos po naka red po yung damit ko
    Ano po kaya ang meaning nun

  4. Dear maestro:

    Ano ang kahulogan ng panaginip ko na si hesus ay aking nakita sa simbahan. At tinanung ko sya? Panginoon bakit po kayo naririto…at ang kanyang sagot ay…NARIRITO AKO PARA SA INYO…
    May panaginip pa akong may dalang bibliya at umakyat sa bundok at sumonod sa akin ang mga tao na may dalang sulo…ng ibaba ko na ang biblya sa isang bato na malapad. Ng may nag sasalita sa kalangitan na diko maintindihan. Nakita ko nalang ang liwanag sa kalangitan at ng bigla ako nagising.? Gsto ko po malaman maestro. Salamat

  5. Maestro gusto KO po sana malaman kung anu ibig sabihin ng napanaginipan KO kagabe ..ung kaluluwa k daw po pumunta s simbahan ..lam k DW po na kaluluwa lang ako tumagos DW po ako s bakal para mkapasok po s loob ng simbahan at nagdasal daw po ako ng taimtim ..ng matapos po ako mg dasal aalis n po sana ako my humarang s akin n tao at nagtaka ako nakita nya ako ,kc alam KO po kaluluwa lng ako at nd nya dapat makita..,my pibapirmahan po xa sa akin ..pinirmahan k nlng dn po at nang mkaakis na ako kc nagmadali po ako mkabalik s katawan KO at natatakot n dn po ako n naglakbay kaluluwa KO..maraming salamat po maestro Sana po masagot nyu katanungan ko

  6. Dear maestro,,ano po kayang kahulugan ng aking panaginip na umuulan habng ppasok ako ng simbahan..tpos pgpasok ko po ng simbahan mdaming ngbblessed n ang pari..lumapit po aq s pari at mgppblessed ako s ulo pro ung kamay nya po eh sa dibdib ko xa ngblessed….ano po kayang ibig svhn po nuon…salamat po sana po ay matulungan nyo po akong msagot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here