ANG SIKRETO NG PUNSOY ni Maestro Honorio Ong, Isyu # 9

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ang Dragon Points

Tandaang ang energiyang chi ay nakakalat lang kung saan-saan. Naghahanap ng mala-landingan upang magkaroon ng isang maligaya, matagumpay at maalwang pamumuhay ang isang pamilya o isang indibidwal. Dagdag dito, tandaan din na may mga lugar na paborito talagang  daanan at istambayan mabuting chi, ito ang tinatawag na “dragon points.” Ang Stonehenge sa Wiltshire, England

Bukod sa sinasabi nating chi na siya ring universal breath, cosmic energy, cosmic force or life-enhancing energy, ito ay tinatawag ding “dragon points” – ang puwesto, direksiyon o lugar na dinadaanan at kung minsan ay itinistambayan ng cosmic energy o ng chi.

Sinasabing ang “dragon points” na dinadaan ng “cosmic energy” ang siyang hinahanap ng mga ancient Druids sa Europe na nagtayo ng isa sa greatest wonder of the world na Stonehenge.

 

Ang Stonehenge ay ang patong-patong na higanteng mga bato na binuhat ng mga katutubo kung saan man lugar nila kinuha ang mga batong iyon ay hanggang ngayon ay di pa rin malaman ng mga antropologo. Hindi nga mabatid ng mga mananaliksik ang hiwagang ito, kung saan nga nila ito kinuha at kung bakit nagtayo ng ganoong uri ng istraktura ang mga katutubo nuong mga panahong iyon sa Wiltshire, England, na itinayo 3,000 taon na ang nakakaraan bago pa dumating si Kristo.

Hinahaka o ipinapalagay ng mga experto na sa mga butas na nalikha ng Stonehenge o sa mismong pinakatutok sa ibabaw ng bato, dumadaan ang napakalakas na “cosmic energy” dalawang beses sa isang taon:

Una, tuwing summer-solstice at Ikalawa, tuwing sasapit ang winter solstice. Kapag sumasapit ang okasyong ito, sinasabayan ng ibat-ibang ritual ng mga Druids, (sila ang mga nagsisilbing Shamans o manggagamot na pari, sa Europe, katumbas ng mga sorcerers at witches or warlocks nuong unang panahon), kung saan, sa nasabing mga ritual habang dumadaloy ang napakalakas na cosmic energy na tinatawag din nating chi, naliligo sila ng hubo’t hubad, sa mahiwagang sinag na ito ng life fore, pagkatapos sinusubukan nilang sapuhin o hulihin ito upang ganap na pumasok sa kanilang katauhan. Dahil sa ganitong ritual, pinaniniwalaang mga Druids ay nagkakaroon ng kakaibang magic at pambihirang kapangyarihan.

Kaya nga napaka-halagang mapunta sa iyo o makapaligo ka sa cosmic energy na ito, upang magkaroon ka ng kakaibang kapangyarihan. Dagdag dito napaka-halaga ding “manahan sa bahay mo o sa iyong tahanan” ang nasabing cosmic power o comic energy, upang magkaroon ka ng kakaibang suwerte at magandang kapalaran ang iyong pamilya.

Maligo sa limlim ng sinag ng liwanag ng buwan

Kung ikaw naman ay may lahi ng mga “mangkukulam” sinasabing puwede ka ring maligo sa lilim ng sinag at liwanag ng kabiluhan ng buwan o sa panahong nasa “full moon” ang buwan” upang ma-enhance o muling lumakas ang iyong kapangyarihan.

Itutuloy…

(Marami pa tayong Sikreto ng Punsoy na ibabahagi sa inyo sa susunod na mga araw. Manatili lamang kayong sumusubaybay sa mga artikulo ni MAESTRO HONORIO ONG. Kung may roon kayong katanungan maaaring i-comment ang inyong tanong sa ibaba o kaya’y mag-send ng inyong message sa philippineone.com. Masaya at libre namin kayong paglilingkuran. Maraming salamat po – MHO).

SHARE
Previous articleChinese Horoscope Oktubre 18
Next articleMGA PALATANDAAN NA ANG IYONG KALULUWA AY DUMARANAS NG SPIRITUAL DEATH
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here