ANG SIKRETO NG PUNSOY ni Maestro Honorio Ong Isyu # 8

0
416
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ang Enerhiyang Sha

Kung ang chi ay ang “life giving energy” ang “sha” naman ay ang “death giving energy”. Sinisimbolo ng kamatayan at destruction.  Iyong dahong sariwa, chi ang nagbigay sa kanya ng kulay. Ngunit sa sandaling nalanta at nabulok ang nasabing dahon, habang natutuyo, dahan-dahang aalis ang chi, kasabay nito dahan-dahan naman papasok ang enerhiya ng sha.

Kapag ganap ng umalis ang chi sa dahon na kanina lang ay kulay berde at sariwa, papasok naman ang enerhiyang sha sa kanyang pagkadahon, ito ang nagbigay sa kanya ng sangkap upang ma-decompose hanggang sa tuluyang  mabulok. Sa aktuwal na senaryo, ang “sha” ang pumalit sa umalis na enerhiya ng chi sa nasabing dahon.

Ito rin ang dahilan kung bakit sinasabing: “malas ang tuod o ang nabubulok o dili kaya’y patay na punong kahoy sa harap ng bahay, dahil sa tuyo, sa nabubulok o sa patay na punong kahoy sa bakuran nanahan ang enerhiayng sha.”

Ganon din naman, yong mga stagnant na kanal o mga agusan ng tubig na hindi dumadaloy, sa halip ay naging burak at pusali –  sa lugar ngang iyon madalas manahan ang sha na nagdadala ng kamalasan sa mga naninirahan sa nasabing lugar na may stagnant na kanal o hindi umaaagos na body of water.    

Dagdag dito, kapag may sakit ka, may problema ka, o kaya naman’y gumagawa ka ng kaimmoralan, mga illegal na bagay o mga bagay na nakakasama sa iyong kapwa,  kusang humihina ang chi sa loob ng iyong katawan, hanggang sa pumangit ang iyong kapalaran. Sa puntong ito, aalis na ng tuluyan ang enerhiyang chi sa iyong pagkatao, mawawalan ka na ng sigla, habang unti-unti namang papalit ang enerhiyang sha.

Kapag tuluyan ng umalis ang chi at ang enerhiya na ng sha ang nag-take-over sa buhay mo, doon mo na mararanasan ang sunod-sunod na kamalasan ng hindi mo namamalayan kung bakit at paano nangyayari sa iyo iyon?

Pero ang totoo hindi mo lang alam, dahil sa iyong mga pinaggagawa, dahil sa maruming laman ng iyong isipan, inggit, galit at mga pag-iimbot sa kapwa, hindi mo alam ikaw din pala ang nagtaboy sa daloy ng mabuting chi upang lumayas sa iyong pagkatao. At ang hindi mo alam, habang tinataboy mong palayo ang mabuting enerhiyang chi sa loob ng iyong pagkatao, ang  masamang enerhiyang sha naman ang unti-unting pumapasok hanggang sa tuluyan ng mapangibabawan ang likas mong katinuan – mahihiwalay ka sa iyong asawa, bigla kang mawawalan ng trabaho, hindi inaasahang darating sa iyo ang sari-saring disgrasya at kamalasan, at kung ano-anong pang-psychological na karamdaman ang dadapo sa iyong katawan. At iyong mga kasama at dating kaibigang nag bibigay sa ‘yo ng suwerte ay biglang sila pa ngayon ang  nagdadala sa iyo ng kamalasan. Ang hindi mo alam, nanduon pala sa “within” o sa kaloob-looban ng iyong pagkatao ang deprensya – lumisan o nawala na pala ang chi o nanghina na pala ang life-enhancing energy sa iyong pagkatao kaya hindi mo namamalayang nagkamalas-malas ka na pala.

Ang solusyon: Gumawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa ng bukal sa iyong kalooban. Gumawa ka ng mga kabutihang walang masamang motibo, walang pag-iimbot, at gawin mo ang kabutihang ito ng lihim o walang nakaka-alam kahit na sino. Makikita mo, kapag nagawa mo yan, babalik ang mabuting chi sa iyong pagkatao, agad-agad, magugulat ka pa, muli kang susuwertehin at magkakaroon ng magagandang kapalaran.

Bukod sa pagawa ng kabutihan ng walang nakaka-alam o lihim na lihim lang, ano pa ang mga paraan upang mapalakas ang daloy ng chi sa iyong pagkatao, at upang hindi maka-penetrate ang sha? Iyan ang ituturo ko sa inyo sa susunod na mga araw. Basta’t manatili lang kayong sumubaybay kay Maestro Honorio Ong dito pa rin sa Philppineone.

 

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here