ANG SIKRETO NG PUNSOY ni Maestro Honorio Ong Isyu # 7

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Mga pambihirang lakas na sinasabing manepestasyon ng enerhiyang chi

Tandaang sa lahat ng bagay o sa bawat kapaligiran o sa lahat ng lugar ay may natutulog na enerhiyang chi. Tulog kaya kailangang gisingin mo! Kung ito ay magigising mo, mapapadaloy mo ng maayos kung saan mo man gustong padaluyin, tulad ng nasabi na, ang “chi” na ito ang magbibigay sa iyo ng kakaibang enerhiya, upang mas madali mong mahigop ang suwerte at magandang kapalaran.

May magtatanong: “Maestro bukod sa loob ng ating pagkatao, sa kapalagiran lang ba  nananahan o matatagpuan ang chi?

Hindi po! Sa halip, pansinin mo ang umaagos na tubig sa batis. Sino ang nagpapa-agos niyan? Hindi ba’t ang batis ay  payapang-payapa, tumutunog at lumalagaslas ang malinaw na tubig nito?

Ang nagpapaagos sa nasabing batis ay ang “mahinahong enerhiyang chi.” (Lawaran 1.) Pero pansinin mo, kapag may unos na dumarating sa kabundukan, ang “mahinahong enerhiyang chi” na kaninay dumadaloy sa tahimik na batis, ay nagiging isang “nagwawala at rumaragasang chi” na kapag hindi nakontrol sa kanyang pag-agos, ang enerhiya chi na nabanggit ay uuho at bababa sa kapatagan na sisira at wawasak ng maraming kabahayan at kikitil ng maraming buhay.

Alalahaning, hindi ang tubig ang dahilan ng pag-andar ng agos. Hindi rin ang hangin ang dahilan ng paglakas ng unos, kundi sa likod ng tubig, sa likod ng hangin, naroon matatagpuan ang isang makapangyarihang lakas na hindi nakikita – ito ang chi.

Sa loob ng natutulog na bulkan ay maroon ding chi. Sa matayog at tayong-tayong perfect cone ng mga  kabundukan ay mayroon ding nakahimlay na enerhiyang chi, kaya ang mga bundok ay masarap tingnan at nakaka-uplift ng kaluluwa habang ito ay ating pinagmamasdan.

Sa isang malabay at malagong punong kahoy ay may roon ding chi. Sa ilog, sa dagat, sa batis, at sa mga halaman at maging ang mismong building o bahay na iyong tinitirahan ay mayroon ding chi.

Dahil hindi mo alam kung anong klaseng chi ang nanduon sa bahay mo o sa iyong silid, wala kang kamuwang-muwang kaya ka pala minamalas, kaya pala laging may sakit ang miyembro ng inyong pamilya, kaya ka pala laging nawawalan o nananakawan, kaya  pala laging mainit ang ulo ng iyong asawa, kaya pala naging mga sutil at pasaway ang iyong mga anak, iyon pa lang inaakala mong “chi” na nasa bahay mo ay hindi na isang mabuting enerhiyang chi, kundi siya pala ay naging enerhiyang sha.

Ang enerhiyang Sha ang siya namang ipapaliwanag natin sa susunod nating kolum. 

*****

Itutuloy…

(Marami pa tayong Sikreto ng Punsoy na ibabahagi sa inyo sa susunod na mga araw. Manatili lamang kayong sumusubaybay sa mga artikulo ni MAESTRO HONORIO ONG. Kung may roon kayong katanungan maaaring i-comment ang inyong tanong sa ibaba o kaya’y mag-send ng inyong message sa philippineone.com. Masaya at libre namin kayong paglilingkuran. Maraming salamat po – MHO).

 

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Oktubre 12, 2018
Next articleANG INVISIBLE RED STRING NA NAG-UUGNAY SA DALAWANG TAONG NAKATADHANA
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

1 COMMENT

  1. May katanungan po aq n nais q makakuha ng sagot paano q ba magagamit ng wasto ang taglay ng dlwang mata q…nkkapinsala po kse s hindi q nkkita…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here