ANG SIKRETO NG PUNSOY ni Maestro Honorio Ong Isyu # 4

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ang Punsoy ay isang Way of Living

Ang Punsoy o Feng-Shui ay hindi isang superstition  at hindi rin ito isang relihiyon. Hindi rin ito isang paniniwala ng isang partikular na grupo o kultura, sa halip ang punsoy ay masasabing isang “way of living”.

Dahil ang Punsoy Feng-Shui ay “way of living” o paraan ng pamumuhay, upang makamit ang isang maligaya, maunlad at masaganang kapalaran sa pamamagitan ng tamang pag-aayos ng mga kasangkapan, tula ng furniture, ng istraktura ng bahay o ng isang building.

 Ito rin ay ang tamang pag-aayos sa isang lugar o kaya’y ng mahusay na paglalagay ng mga disensyo at burloloy sa tahanan o kaya’y sa inyong opisina.

Dagdag dito sinasabi ding ang Modern Feng- Shui sa kasalukuyang panahon ay puwede ring i-aplay sa  tamang pag-aayos ng istilo ng pagsasabit ng dekorasyon sa katawan at sa pinaka-lundo ay kung paano aayusin ang personal nating buhay upang madali nating masagap ang magagandang kapalaran dala-dala ng mabuting enerhiya o life force na kung tawagin ay “chi”.

May mga nagtatanong at ganito ang tanong:  “Totoo ba na nakatutulong ang punsoy upang umunlad ang isang pamilya at upang maging masagana ang buhay ng isang indibidwal?”

Bago natin sagutin ang tanong sa itaas, muli nating lilinawin: “Kapag inaplay ang punsoy sa buhay ng isang tao ito ay magiging way of living.”

At kapag ang Punsoy o Feng Shui ay naging way of living kailangang makilala natin at maunawaan ang Chi at ang Sha.

Ang Enerhiyang Chi at ang Enerhiyang Sha

Tandaang nakasalalay ang ikatatagumpay ng pagpu-punsoy sa sandaling nalaman mo at natuklasan kung saan dumadaloy at pumipirmi o nananahan ang “chi” 

Kung nasaan ang “chi” duon ka mag tayo ng bahay tiyak na susuwertehin ka.

Nakasalalay din ang ikatatagumpay ng pagpu-punsoy sa sandaling nagawa mong pagalawin papalabas o papalayo ang naka-stagnant o nakapirming “sha”, sa isang lugar, maaari sa loob ng iyong bahay o sa iyong opisina o sa iyong silid, kung saan, ang “sha” na ito, ang sinasabing nagdudulot ng mapangit na kapalaran sa isang indibidwal.

 

Gagawin natin ang lahat ng iyan, sa susunod na mga araw, habang sinusubaybayan nyo ang kolum na ito ni Maestro Honorio Ong, ang Sikreto ng Punso kaya wag na wag kayong bibitaw at manatiling nagbabasa ng Philippineone.

Itutuloy…

(Marami pa tayong Sikreto ng Punsoy na ibabahagi sa inyo sa susunod na mga araw. Manatili lamang kayong sumusubaybay sa mga artikulo ni MAESTRO HONORIO ONG. Kung may roon kayong katanungan maaaring i-comment ang inyong tanong sa ibaba o kaya’y mag-send ng inyong message sa philippineone.com. Masaya at libre namin kayong paglilingkuran. Maraming salamat po – MHO).

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous article7 Reasons Bakit di ka Dapat Ma-Pressure Maghanap ng Date Bago Mag-Pasko
Next articleChinese Horoscope Oktubre 2
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here