ANG SIKRETO NG PUNSOY ni Maestro Honorio Ong Isyu # 13

0
487
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ang Enerhiyang Yin at ang Enerhiyang Yang

Ang tatalakayin naman natin ngayon ay ang enerhiyang Yin at Yang.

Kung ngayon ka pa lang ipinanganak at inosente sa mga bagay-bagay, dapat na mailarawan ko muna sa iyo ngayon, ang aktuwal na larawan ng Yin at Yang bilang simboliko niyang representasyon.

Ang Yin at Yang ay ang madalas nating makita na simbolo ng mga Chinese. Ito ang “magkabaliktad na kulay black and white na korteng patak ng tubig o kaya naman ay parang butete na medyo bilog ang itaas, pahaba ang ilalim na bahagi na magkasalungat.”

Masdan ang Larawan 1., yan ang saktong ilustrasyon ng yin at yang energy. Nakita mo na ba?

Kagaya ng larawang sinisimbolo ng Yin at Yang, – ito ay ang magkatumbalik na puwersa na laging magkasama upang tumakbo, umikot, umandar at makumpleto ang paglalang.

Alalahaning mabuti na hindi lang laging magkasama ang Yin at Yang, bagkus kambal sila, at kahit magkaiba, kailanman’y hindi na magkakahiwalay pa.

Ang Yin at Yang ang naghahatakan at nagtutulakang puwersa sa kamay ng orasyon kaya walang tigil sa pag-usad ang bawat minuto at sandali.

Ang Yin at Yang ang nagsasalimbayang puwersa sa umikikot na mundo, kaya dumadatal ang bawat panahon – panahon ng tag-ulan, panahon ng tag-araw, panahon ng tag-lagas at panahon ng tag-sibol. Hindi mo napapansin, parang “yin” at “yang” paikot-ikot lang ang “panahon o ang four seasons” na tinatawag.

Kapag nagsama ang Yin at Yang magkakaroon ng Harmony

Sinasabing ang Yin is  dark habang ang Yang is light. Yin is passive (malamya), Yang is active (agresibo), but when united, however,  they are harmony.

Ibig sabihin umikot man ng umikot ang mundo at magpatuloy man ng magpatuloy ang panahon dahil sa pamamagitan ng salimbayang lakas ng Yin at Yang, sa bandang huli iisa lang ang kahahatungan nito – ang Yin at Yang ay magniniig, mag-iisa at magtatagpo. Ito ang tinatawag na harmony.

Ganon din naman sa sandaling naganap ang pagiisang lakas ng Yin at Yang sa buhay ng isang tao, hahantong din ang karanasan ng isang indibidual sa isang maligayang kalagayahan.

Oo naman, kapag nagsama o nag-isa ang Yin at Yang ang kapalaran sa isang indibidual ay magkakaroon ng “harmony” – kusang mauuwi sa isang masagana at matagumpay na karanasan.

*****

(Marami pa tayong Sikreto ng Punsoy na ibabahagi sa inyo sa susunod na mga araw. Manatili lamang kayong sumusubaybay sa mga artikulo ni MAESTRO HONORIO ONG. Kung may roon kayong katanungan maaaring i-comment ang inyong tanong sa ibaba o kaya’y mag-send ng inyong message sa philippineone.com. Masaya at libre namin kayong paglilingkuran. Maraming salamat po – MHO)

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

 

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here