ANG SIKRETO NG PUNSOY ni Maestro Honorio Ong Isyu # 12

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

10 Mabisang Paraan Upang Mapalakas ang Chi

Narito ang ilang mga pan-lunas o cures, kung halimbawang napansin mo na sa isang particular na lugar sa inyong bahay, sa inyong bakuran, sa inyong silid o sa inyong opisina ay mahina ang daloy ng chi. Ganito ang epektibong paraan upang mapalakas mo ang daloy ng enerhiyang chi sa isang particular na lugar:

Ang paglagay ng ilaw sa isang madilim na lugar

Puwede ding gumamit ng mga plastic o salamin na transparent upang tumagos ang natural na liwanag ng araw. Puwede ding gumamit ng insenso at mga kandila.

Pagsasabit ng salamin, crystal ball, at iba pa na nagre-reflect o maliliwanag na mga bagay.

Paglalagay  ng living objects, tulad ng halaman, mga makukulay na bulaklak, aquarium, fish bowl, love birds at  iba pang may buhay sa isang lugar na tila walang kabuhay-buhay.

Paglalagay   ng moving object o gumagalaw na mga bagay, tulad ng umiikot na gulong, umiikot na ilaw, windmill, pendulum, fountain at ibang gumagalaw na bagay  sa isang lugar na iniisip mong mahina ang daloy ng enerhiyang chi.

Paglalagay ng tumutunog na mga bagay, tulad ng kampana, kampanila, wind chimes,bells at iba pang tumutunog na bagay. Mabisa ang mga pang-dekorasyong ito lalo na kapag ito ay kusang tumutunog sa sandaling nahipan ng hangin.

Heavy object, tulad ng malaking tipak ng magkayakap na bato, batong buhay na bilog na bilog, batong itim na magkapatong, pirapirasong batong bilog sa drive way at sa inyong bakuran na lagi mong dinadaanan.

Bukod sa bato, puwede rin ang paglalagay ng metal, tulad ng copper, stainless, silver, gold, na may hugis bilog at iba pang may kakaibang hugis na metal na magpapalakas ng daloy  ng chi sa nasabing ispesipik na lugar na mahina ang daloy ng chi.

Puwede  rin ang paglalagay ng electrical powered object, tulad ng aircon, electric fan, stereo, television set, computer at iba pa sa isang ispesipik na lugar na pinaghihinalaan mong may mahinang daloy ng chi.

Paglalagay  ng mga “natural made objects” tulad ng bamboo, coconut shells, sungay o  horn at iba pang mga natural na bagay sa mga lugar na mahina ang daloy ng chi.

At  pang huli, pag-gamit ng ibat-ibang uri ng kulay. Ibat-ibang uri ng kulay para sa ibat-ibang lunas at pangangailangan, na tatalakayin natin sa susunod nating libro na kasalukuyan pa nating ginagawa. (Marami pa tayong Sikreto ng Punsoy na ibabahagi sa inyo sa susunod na mga araw. Manatili lamang kayong sumusubaybay sa mga artikulo ni MAESTRO HONORIO ONG. Kung may roon kayong katanungan maaaring i-comment ang inyong tanong sa ibaba o kaya’y mag-send ng inyong message sa philippineone.com. Masaya at libre namin kayong paglilingkuran. Maraming salamat po – MHO)

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articleMga Paraan Para Maging Mabuting Tao
Next articleMath professor returns to Palanca stage, bags two more wins
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here