ANG SIKRETO NG PUNSOY ni Maestro Honorio Ong Isyu # 11

0
559
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Mag-ingat sa mga huwad na punsoy expert daw sila, pero hindi naman

Sa pagpu-punsoy, kapag sinolusyunan ang pag-agos ng masamang sha, upang palitan ito ng mabuting chi, o halimbawang mahina ang chi sa isang lugar at palalakasin mo ang chi, ang tawag dito ay “cures o pan-lunas”.

Sa puntong ito ako labis na nagtataka sa mga nagsasabing punsoy expert daw sila. Ano ang pinagtataka ko?

Yon bang kapag kumunsulta ka sa isang punsoy expert, para malunasan mo ang isang “problema sa iyong bahay o sa iyong silid o opisina” bakit ang dami-daming pinabibili o pinababago?

Ang gusto kong itanong ay ganito: “Hindi ba puwedeng magpa-punsoy na hindi na bibili ng mga bagay na ibinebenta ng isang punsoy expert, upang wag namang ganong magka-gastos ang nagpapa-punsoy?”

Ang nakakainis sa mga nagsasabing punsoy expert daw sila, ay kung ano-ano ang ibebenta sayo at ipapagawa, sukdulang gumastos ka ng libo-libong piso at higit pa,  para lang masolusyunan ang problema mo sa inyong bahay, silid, bakuran o sa inyong opisina.

Ang nangyayari tuloy, nagiging isang “negosyo o tahasang pangra-racket” ang propesyong pagpu-punsoy na ang dapat sana’y marangal na makatulong ng hindi mo masyadong “konokotongan” o pinapagastos ang iyong kliyente.

Ang masakit pa nito, halimbawang nagpa-punsoy ka sa unang pagkakataon at hindi naging effective o hindi naging mabisa. Muli mong tatawagin ang paborito mong punsoy expert at pagkatapos, gumastos ka na dati o may pinabili na siya sayo dati na “pan-lunas o cures” ng muli mo siyang tinawag, pabibilin ka na naman ng bagong “panlunas o pang-cures” sa iyong silid, sa iyong bakuran o sa iyong opisina. Paulit-ulit lang yon! Lagi ka nyang pinabibili ng “pan-lunas o cures” na siya rin ang nagbebenta, gayong wala namang improvement na nangyayari.

Sa pagkakataong ito sinisiraan ko ba ang mga punsoy expert na ang mahal mahal maningil pagkatapos ay hindi naman nagiging mabisa ang kanilang pinapayo sa kanilang mga kliyente?

Hindi naman! Bagkus iminumulat ko lamang sa katotohanan ang mga inosenteng mambabasa at mga taga-subaybay natin sa mga artikulong ito, dahil love ko kayo, dapat na mag-ingat kayo sa pagpapa-punsoy.

Baka kasi hindi nyo alam, o hindi nyo na mamalayaang nira-racket na kayo, nauubos na ang inyong kabuhayan, gayong sa mali o hindi naman pala talagang punsoy expert ang inyong napagsangguniaan.

Yon lang, ang layunin ko kung bakit ko isinisiwalat ang katotohanang, “masyadong mahal ang mga ipinabibili o pinapagawa ng isang huwad na punsoy expert daw, pag katapos ay wala naman halos bisa ang pinagawa niya sa kanyang kliyente.”

Simulan mo na ngayon: Matutong mag-punsoy sa sarili mong paraan

Nanghihinayang kasi ako sa salapi na magagastos nyo, gayong sa totoo lang kung pag-aaralan nyong mabuti ang arts o sining ng pagpu-punsoy, kayang-kaya nyo namang “punsuying mag-isa” ang inyong bahay, ang inyong silid, ang inyong bakuran o ang inyong opisina.

At ito ang tunay na layunin ng asignaturang ito. Matututo kayong mag-isa nyo, na mag-punsoy sa sarili nyong bahay, sa sarili nyong silid, sa sarili nyong bakuran, at sa sarili nyong opisina, upang wag na kayong gumastos ng libo-libong halaga ng salapi, na kadalasan ay sa kawalan o hindi rin naman nagiging mabisa ang resulta.

Bagamat hindi sapat o hindi kumpleto ang topic nating ito hinggil sa Feng-Shui, dahil isang chapter lang ito sa ating aklat na kasalukuyan mong binabasa. At sa totoo lang ay “introduction or basic lang ito tungkol sa Feng-Shui”.

Umasa kang sa susunod na mga panahon, isang buong libro ang iuukol natin para lang sa topic na “Basic Feng-Shui” na makakatulong sa inyo, upang matutunan mong punsuyin ang sarili nyong bahay, silid, bakuran o kaya’y business site. 

(Marami pa tayong Sikreto ng Punsoy na ibabahagi sa inyo sa susunod na mga araw. Manatili lamang kayong sumusubaybay sa mga artikulo ni MAESTRO HONORIO ONG. Kung may roon kayong katanungan maaaring i-comment ang inyong tanong sa ibaba o kaya’y mag-send ng inyong message sa philippineone.com. Masaya at libre namin kayong paglilingkuran. Maraming salamat po – MHO)

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here