ANG SIKRETO NG PUNSOY ni Maestro Honorio Ong Isyu # 10

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ang chi ang umaakit ng suwerte at magandang kapalaran

Tandaang: “Kapag malakas ang puwersa ng iyong chi, maraming mga tao ang maaakit at magkakagusto sa iyo”. Sila ang mga taong tinatawag nating may malakas na sex appeal o karisma, hindi nila alam iyon, pero dahil hindi sinasadya o sinadya man, na-cultivate o napalakas nila ang cosmic power na nanahan sa kanilang pagkatao, kaya naman kaaya-aya,
masarap, masaya at maganda silang kasama. Dagdag dito, “kapag malakas ang iyong cosmic energy o chi, siguradong lapitin karin ng suwerte at magandang kapalaran.”

Mga lugar ng kalikasan na pinamamahayan ng enerhiyang chi

Ganon din ang  chi na nananahan sa isang bahay, lugar, puwesto, o tahanan. Kung saan, may mga lugar na kaakit-akit puntahan, kahanga-hangang pasyalan, masarap pagpahingahan at nakaka-relaxs ng katawan at kaluluwa. Ito ang mga lugar na may malakas na positibong puwersa ng chi, tulad ng gilid ng batis, makukulay na halamanan, aliwalas na kabukiran, tuktok ng bundok, ilalim ng malaking punong kahoy, o kaya’y mga kakaibang hugis na batuhan; dalampasigan o gilid ng tahimik at mangasulngasul na karagatan.

Tulad ng isang malawak na bukirin na may hinog na butil ng mga palay na malapit ng anihin, (Larawan 1.) Tulad ng isang payapang karagatan na humahampas ang banayad na alon sa dalampasigan habang kasabay ang pagsabog sa umaga ng mainit-init na sikat ng araw. Tulad isang batis na naguunahan ang mahalumigmig na lagaslas ng tubig sa mga dinadaanan niyang batuhan, habang sa gilid ng nasabing batis masasamyo mo  ang bango at ibat-ibang kulay ng mga bulaklak. Tulad sa ilalim ng isang malaking punong mangga na hitik na hitik ng mga bunga at habang nakaupo ka sa ilalim ng nasabing puno, walang lubay ang masayang huni ng mga ibon na nagaasawahan at nagliliparan sa ibat-ibang direksyon.

 Mga lugar na pinamamahayan ng enerhiyang sha na dapat iwasan

Kung may mga pinagpala o mga natural na suwerteng lugar na pinamamahayan ng chi, na nakaka-relaks ng katawan, at kaluluwa, sa kabilang banda hindi rin maiiwasan na may mga lugar na nakakalungkot puntahan, naka-aaburidong tingnan o kaya’y mga lugar na maalinsangan at hindi tayo at ease na pumirmi sa mga lugar na iyon. Nangyaring ganon, dahil ang totoo sa mga ganong lugar na iyon, nananahan ang enerhiyang sha.

Dagdag dito may mga lugar din na nakakatakot, napakahiwaga, at kung minsan may mga lugar pa nga tayong napupuntahan na may kakaibang kilabot tayong nadarama. Mga lugar  nakakasindak at nakapananayo ng mga balahibo na hindi natin maipaliwanag kung bakit natin nadarama o nararamdaman sa lugar na yon.

Sa ganoong sitwasyon, masasabing  imbis na enerhiyang chi, posibleng enerhiyang sha ang puwersa na nananahan sa nasabing lugar. Masasabi ring posibleng unti-unti ng tumatakas o
umaalis ang mabuting chi sa lugar na yon, upang palitan ng puwersang sha. Tulad ng
naipaliwanag na sa itaas, maaaring sa lugar na iyon, unti-unti ng nananahan ang enerhiya ng nagiging dahilan upang matuyo ang sariwang dahon o ang enerhiya ng pagkabulok, ito ang enerhiyang “sha” na walang ano-ano ay bigla na lang maghahatid ng destruction, sakuna o biglaang kamatayan.

Kaya nga kung nagpapakadalubsaha ka sa sining ng pagpu-punsoy, common sense, na maiisip mo, na  sadyang nakabase sa pag-basa, sa pag-salat, sa pag-alam o sa pag-kilatis ng chi at ng sha sa isang partikular na lugar ang ikatatagumpay ng isang epektibo at makabuluhang pagpu-punsoy.

Ngayon kapag nadiskubre ng isang nagpu-punsoy, na hindi maayos na tumatakbo ang chi  sa isang lugar, ito ay kailangan nya agad malunasan o masolusyunan, bago tuluyang magkasakit ang bawat miyembro ng pamilya, malubog sa pagkakautang, matanggal sa trabaho, malugi ang isang negosyo, masira ang relasyon ng mag-asawa,  at ang di inaasahang pagsaklot ng aksidente, o biglang pagkakasakit at sa pinaka-malala ay biglaang sakuna na magdudulot ng pagkawala ng buhay ng isang miyembro ng pamilya.  

(Marami pa tayong Sikreto ng Punsoy na ibabahagi sa inyo sa susunod na mga araw. Manatili lamang kayong sumusubaybay sa mga artikulo ni MAESTRO HONORIO ONG. Kung may roon kayong katanungan maaaring i-comment ang inyong tanong sa ibaba o kaya’y mag-send ng inyong message sa philippineone.com. Masaya at libre namin kayong paglilingkuran. Maraming salamat po – MHO).

 

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articleTop 5 Bagay Tungkol sa Inyong Mag-asawa na Hindi Dapat Sinasabi sa Iba
Next articlePALMISTRY 230 ni Sir Govinda Jeremaya
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here