ANG SIKRETO NG PUNSOY: ANG PAGPAPALAKAS NG ENERHIYANG CHI

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Sapamamagitan ng dahan-dahang paglakad patagilid, sa pamamagitan ng maliliit na hakbang, habang nakaunat ang mga kamay sa langit. Nakabukas ang dalawang palad, ini-imagine mong  dinadakot ng dalawang kamay mo ang napakalaking “hugis-bilog na enerhiya” sa iyong ulunan. At kapag ganap ng naihugis ang malaking bilog sa iyong mga palad, bubuhatin mo ito sa iyong  likuran, bubuwelo ng dahan-dahan at saka ihahagis ng ubod ng lakas sa kawalan”. – Ito ay isang uri ng pasimulang ehersisyong Tai Chi, (Larawan 1.) na ituturo ko rin sa inyo sa susunod na mga araw.

Ang nasa itaas ay isang paraan ng mental at physical exercise kung paanong ang enerhiyang chi ay maaari mong damahin sa iyong mga palad hanggang sa ito ay maging isang tunay na lakas.

Sabi nga, ang Zen Budhism, Tai Chi, Chi Kung, Aikido at marami pang iba, “What all these Eastern exercise have in common, is a supreme degree of control over body, mind, and spirit – stimulating the free flow of “chi” or life force.” (The Method of Zen, Eugen Herrigel, Pantheon Books Inc.)  

Ganon yon! Kaya kung nag-aaral ka ng eastern martial arts teknik, unti-unti mong mare-realize ang katotohanang may “chi” o enerhiyang “chi” sa loob ng iyong pagkatao at sa iyong kapaligiran na sa sandaling na-utusan mo ito, sa panahong ikaw ay nakikipag-laban may pambihrang lakas na kusang huhulagpos sa iyong kamao, upang madali mong mapatumba ang iyong katunggali.

Sa kabilang banda, hindi ko mo’t na malakas ang iyong chi ay mapapabuwal mo na ang iyong kalaban o matatalo mo na siya.

Dapat mo ring alalahanin ang ganito: Matapos mong suntukin ang iyong kalaban, at tinanggap nya ang iyong bigwas, posibleng hindi agad siya bumuwal, dahil ang lakas ng chi na pinakawalan mo ay depende rin sa lakas ng chi na tinataglay ng iyong kalaban.

Kaya nga kung malakas ang chi na nananahan sa pagkatao ng iyong kalaban, hindi siya gaanong tatablan o masasaktan kahit pa gaano kalakas ang iyong suntok.

Samantalang kung napakahina ng chi ng iyong kalaban, maaari mo siyang mapatay dahil sa sobrang lakas ng iyong chi o kaya’y sa isang suntok mo lang turpit na siya sa malayong lugar.

Ano ang gusto kong sabihin sa pagkakataong ito? Simple lang!

Kapag natuklasan mo kung paano mo palalakasin ang chi na nananahan sa iyong pagkatao at kung paano mo sasagapin ang chi sa iyong kapaligiran, sa ganoong paraan pa lang, hindi mo pa mina-master ang pagpu-punsoy, sa totoo lang kusa ka ng dadaluyan ng suwerte at magagandang kapalaran, dahil nga laging nasa maayos na flow ang iyong vital energy.

Ika nga kusa ng gaganda ang kapalaran mo, dahil ang iyong life force o ang iyong life-enhancing energy na kinakatawan ng chi na nananahan sa iyong pagkatao ay sadyang napalakas mo na ng husto.

At ang kinaganda pa nito, dahil malakas ang flow ng chi sa iyong pagkatao, malabo ka rin dapuan ng mabibigat o malalalang karamdaman, dahil ang magandang daloy ng chi sa iyong pagkatao ay kusa ring nagpapalakas ng iyong immune system.

Gusto mo na bang matutunan kung paano mo palalakasin ang chi na nananahan sa iyong pagkatao at kung paano mo hihigupin ang chi na nasa iyong kapaligiran? Wag kang excited! Dahan-dahan lang ang gagawin nating diskusyon. Basta  manatili ka lang na sumusubaybay sa mga artikulo ni Maestro Honorio Ong dito pa rin sa ating website na PhilippineOne. 

(Marami pa tayong Sikreto ng Punsoy na ibabahagi sa inyo sa susunod na mga araw. Manatili lamang kayong sumusubaybay sa mga artikulo ni MAESTRO HONORIO ONG. Kung may roon kayong katanungan maaaring i-comment ang inyong tanong sa ibaba o kaya’y mag-send ng inyong message sa philippineone.com. Masaya at libre namin kayong paglilingkuran. Maraming salamat po – MHO).

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Oktubre 8, 2018
Next articleDream Interpretation Online Ang Sikreto ng iyong Panaginip
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here