ANG SIKRETO NG PUNSOY: Ang Limang Elemento Sa Loob ng pagkatao

0
685
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ang mismong tao ay may Limang Elemento sa kanyang sarili. Halimbawa, sinasabing ang tao ay 95% na binubuo ng Tubig o Water, lalo na ang bahagi ng utak at dugo. Ilang halimbawa nito ay ang ihi, pawis, uhog at lahat ng likido na inilalabas ng ating katawan.

Ang tao ay may roon ding “Init o Apoy”, ito ay mapapatunayan sa panahong tayo ay may sakit o kaya’y nilalagnat. “Gaano kataas na ba ang kanyang temperatura?” ang tanong ng doctor.  Napakainit ika nga, iyon pala ay “inaapoy na ng lagnat ang pasyente!”

Hindi lamang sa panahong may sakit o karamdaman ang isang indibidual kusang lumalabas ang enerhiya ng  Apoy o Init sa loob ng kanyang katawan, bagkus sa panahon din ng matindi ang ating galit, “mabilis na nag-iint ang ating ulo.”

Dagdag dito, sa panahon ng matinding pagkasabik sa pakikipagtalik may kung anong kakaibang init tayong nararamdaman. Ika nga ay “nag-iinit na ang buong katawan” upang makipagniig. At sa sandaling inilabas ang “init” na sinangkapan ng tubig at iba pang mineral (ang sperm cell at egg cell) ang init na ito ay nakalilikha ng panibagong buhay – ito ang sanggol o ang baby.

Ang tao ay may roon ding Lupa o Earth at ito ay ang libag, banel, at iba pang mga dumi na nanahan sa loob at labas ng kanyang katawan. Hindi lang iyon, ika nga sa Bible, “ang tao ay mula sa alabok at babalik din sa alabok!”

Ang tao ay mayroon ding Kahoy o Wood sa kanyang katawan at ito ay ang kanyang mga buto, na tulad ng isang haligi ng bahay, ito ang nagsisilbing istraktura upang makatayo, maka-upo at tumindig ang isang nilalang.

At ang tao ay may roon ding Metal o Bakal sa kanyang katawan, at ito ay ang tinatawag nating vitamins and minerals na supplementary sa kanyang kalusugan upang mabuhay, tulad ng iron, zinc, phosphorus, at iba pa.

Ipinapaliwanag nating mabuti ang Five Elements o ang Limang Elemento, upang maunawaan ninyo na ito ang bumubuo ng tinatawag na “buhay o life”. At kapag ang Limang Elementong ito ay natutunan ninyong gamitin o sabihin nating naging balanse ang daloy sa inyong katauhan, gayon din sa inyong tahanan, opisina o sa inyong kapaligiran, walang duda – masisiguro ang isang malusog, maligaya, maunlad at masaganang pamumuhay.

—30—

(Marami pa tayong Sikreto ng Punsoy na ibabahagi sa inyo sa susunod na mga araw. Manatili lamang kayong sumusubaybay sa mga artikulo ni MAESTRO HONORIO ONG. Kung may roon kayong katanungan maaaring i-comment ang inyong tanong sa ibaba o kaya’y mag-send ng inyong message sa philippineone.com. Masaya at libre namin kayong paglilingkuran. Maraming salamat po – MHO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here