Ang Sikreto ng mga Pinay kung bakit laging wagi sa mga Beauty Pageants

0
848
Kung beauty pageant ang pag-uusapan hindi pahuhuli ang mga Pinay. Mapa-sariling bayan o kahit saan pang panig ng mundo mo dalhin, ang gandang Pilipina ay hindi maaaring hindi mapapansin. Ito ang katotohanan, tanggapin man o hindi ng ibang lahi, sadyang hindi maipagkakaila ang katangi-tanging ganda at talino ng isang Pilipina. Pero ano nga ba ang sikreto ng mga Pinay? Bakit sa tuwina ay umaangat sila sa iba? Ayon sa ating ipinagmamalaking Miss Universe 2015 na si Binibining Pia Alonzo Wurtzbach, sinabi niya sa isang interview na ang kagandahan ay hindi lamang pisikal kundi nasa loob din. Hindi lamang kung anu-anong kolerete o mamahaling damit ang nakapagpapaganda sa isang tao kundi ang kabusilakan ng kanyang kalooban. Tinukoy niya rin ang magandang pakikisama hindi lamang sa mga taong may sinasabi sa lipunan o matataas sa lipunan kundi maging sa sinuman anuman ang estado sa buhay lalo na sa mga taong nakakasalamuha mo araw-araw. Be confident, isa ito sa sikreto ni Pia, ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili, laging maging positibo at huwag na huwag mawawalan ng pag-asa. Kaya naman akmang-akma sa kanya ang binitawang linya na nagpasikat sa kanya ng husto bilang Miss Universe “Confidently beautiful with a heart”. Ayon naman sa kauna-unahang Pilipina na wagi sa Miss Universe noong 1969 na walang iba kundi si Miss Gloria Diaz, kailangan huwag kakain ng sobra para hindi lumaki ang tiyan, kumuha ng maraming litrato at magfocus. Ayon pa kay Gloria, ang pagsali sa mga beauty pageants, manalo man o matalo , ito ay hindi katapusan o simula ng lahat, dahil at the end of the day, magpapatuloy ang buhay mo bilang normal na tao kaya i-enjoy mo na lang yung mga moments mo na nandoon ka sa stage at hopefully ay makapag-iwan ka ng magandang bagay sa ibang tao na maipagmamalaki mo maging sa mga magiging anak mo. Para kay 1973 Miss Universe Margie Moran, kailangan mo lang I-enjoy ang magandang pagkakataon bilang kandidata. Ang pinakaimportante ay kung ano ang magiging pagtingin mo sa sarili mo matapos ang contest. Sinabi rin ni Margie na mahalaga ang edukasyon, lalo na ang pagbabasa para meron kang maisasagot anuman ang itanong sa’yo. Ang payo naman ni Miss Universe Philippines 2011, Shamcey Supsup, huwag magpapadala sa pressure at palaging maging pinakamagandang bersyon ng sarili mo. Hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng payo si Miss World 2013 Megan Young. Aniya sa isang interview, kailangang panatilihin ang pagkakaroon ng magandang puso, kung gusto mo talagang maging beauty queen kailangan mo itong pagtrabahuhan at pagsikapan na may kalakip na pagmamahal at positibong pananaw. Ilan lang ang mga ito sa mga payo ng ating mga Pinay beauty queens. Kung ito ang mga payo nila, malamang na ito rin ang kanilang mga sikreto kung bakit nakuha nila ang koronang inaasam ng mga kababaihan. Ito ang sikretong hindi dapat itinatago kundi ipinagmamalaki at ibinabahagi upang makapagbigay inspirasyon sa iba. Kaya naman sa lahat ng mga kababaihan na nangangarap maging beauty queen, tanggapin at isagawa ninyo ang lahat ng mga payong ito na nagmula mismo sa ating mga ipinagmamalaking beauty queens.

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Kung beauty pageant ang pag-uusapan hindi pahuhuli ang mga Pinay. Mapa-sariling bayan o kahit saan pang panig ng mundo mo dalhin, ang gandang Pilipina ay hindi maaaring hindi mapapansin. Ito ang katotohanan, tanggapin man o hindi ng ibang lahi, sadyang hindi maipagkakaila ang katangi-tanging ganda at talino ng isang Pilipina. Pero ano nga ba ang sikreto ng mga Pinay? Bakit sa tuwina ay umaangat sila sa iba?

Ayon sa ating ipinagmamalaking Miss Universe 2015 na si Binibining Pia Alonzo Wurtzbach, sinabi niya sa isang interview na ang kagandahan ay hindi lamang pisikal kundi nasa loob din. Hindi lamang kung anu-anong kolerete o mamahaling damit ang nakapagpapaganda sa isang tao kundi ang kabusilakan ng kanyang kalooban. Tinukoy niya rin ang magandang pakikisama hindi lamang sa mga taong may sinasabi sa lipunan o matataas sa lipunan kundi maging sa sinuman Ang Sikreto ng mga Pinay kung bakit laging wagi sa mga Beauty Pageantsanuman ang estado sa buhay lalo na sa mga taong nakakasalamuha mo araw-araw. Be confident, isa ito sa sikreto ni Pia, ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili, laging maging positibo at huwag na huwag mawawalan ng pag-asa. Kaya naman akmang-akma sa kanya ang binitawang linya na nagpasikat sa kanya ng husto bilang Miss Universe “Confidently beautiful with a heart”.

Ayon naman sa kauna-unahang Pilipina na wagi sa Miss Universe noong 1969 na walang iba kundi si Miss Gloria Diaz, kailangan huwag kakain ng sobra para hindi lumaki ang tiyan, kumuha ng maraming litrato at magfocus. Ayon pa kay Gloria, ang pagsali sa mga beauty pageants, manalo man o matalo , ito ay hindi katapusan o simula ng lahat, dahil at the end of the day, magpapatuloy ang buhay mo bilang normal na tao kaya i-enjoy mo na lang yung mga moments mo na nandoon ka sa stage at hopefully ay makapag-iwan ka ng magandang bagay sa ibang tao na maipagmamalaki mo maging sa mga magiging anak mo.

Para kay 1973 Miss Universe Margie Moran, kailangan mo lang I-enjoyAng Sikreto ng mga Pinay kung bakit laging wagi sa mga Beauty Pageants ang magandang pagkakataon bilang kandidata. Ang pinakaimportante ay kung ano ang magiging pagtingin mo sa sarili mo matapos ang contest. Sinabi rin ni Margie na mahalaga ang edukasyon, lalo na ang pagbabasa para meron kang maisasagot anuman ang itanong sa’yo.

Ang payo naman ni Miss Universe Philippines 2011, Shamcey Supsup, huwag magpapadala sa pressure at palaging maging pinakamagandang bersyon ng sarili mo.

Hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng payo si Miss World 2013 Megan Young. Aniya sa isang interview, kailangang panatilihin ang pagkakaroon ng magandang puso, kung gusto mo talagang maging beauty queen kailangan mo itong pagtrabahuhan at pagsikapan na may kalakip na pagmamahal at positibong pananaw.

Ilan lang ang mga ito sa mga payo ng ating mga Pinay beauty queens. Kung ito ang mga payo nila, malamang na ito rin ang kanilang mga sikreto kung bakit nakuha nila ang koronang inaasam ng mga kababaihan. Ito ang sikretong hindi dapat itinatago kundi ipinagmamalaki at ibinabahagi upang makapagbigay inspirasyon sa iba. Kaya naman sa lahat ng mga kababaihan na nangangarap maging beauty queen, tanggapin at isagawa ninyo ang lahat ng mga payong ito na nagmula mismo sa ating mga ipinagmamalaking beauty queens.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here