ANG SEKRETO PARA MAIBALIK ANG MGA LUMALABAS SA IYONG PERA, ALAMIN!

1
634

Bayad rito. Bayad roon.

         Walang makakatakas sa mga bayarin!

         Kuryente. Tubig. Internet. Kung ano-ano pang monthly bills. May FOREVER sa bayarin!

         Gusto mo bang maibalik agad ang mga perang lumalabas sa iyo? Sino ba ang may ayaw, hindi ba?

         Bueno, subukan na ang THE PAID BILL BLESSING.

         Ang wealth-attracting trick na ito ay gagawin sa tuwing kinakailangan mong maglabaas ng pera.

Bago mo pawalan ang pera sa iyong kamay, bulungan ito ng ganito, “Dodoble ang balik sa akin ng pera kaysa sa ilalabas ko!”

 Pasimple lang itong gawin at tiyakin na walang makakakita sa iyo. Ibuhos mo ang iyong damdamin at emosyon habang sinasambit mo ang mga salita na wari’y may buhay ang hawak mong pera.

Makatutulong rin ang paid bill blessing upang magkaroon ka ng positibong outlook at maiwasan ang stress o panghihinayang sa bibitawang pera.

Good luck!

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here