ANG SAMAHANG ITINATAG NG MAGKASINTAHANG, REINCARNATION NI JESUCRISTO AT MARIA MAGDALENA

Ravenson Biason

May isang magkasintahan na mayroong kampo sa Queensland, Australia ang sumisikat ngayon ang nakahihikayat ng miyembro upang umanib sa kanilang samahan. Bakit? Inaako kasi nila at sinasabing sila umanong dalawa ay reincarnation nina Jesus Christ at Mary Magdalene.

Masyadong nababahala ang mga Australian cult watchers sa bagong samahan na ‘Divine Truth’ na pinangungunahan ni Alan John Miller at ni Mary Suzanne Luck. Ang dalawang ito ay inakong sila na ang makabagong Jesucristo at Maria Magdalena. Muli umanong nabuhay ang 2 bantog na karakter sa Banal Na Kasulatan sa Bagong Tipan. Ayon sa The Courier Mail, ang dalawa ay nakakatanggap ng donasyon mula sa kanilang mga followers upang masustentuhan ang kanilang mga pangangailangan. Nababahala naman ang awtoridad na parang sinasamantala ng magsing-irog ang kanilang taga-sunod.

Si Miller, ay isinilang sa Luxton, South Australia at ama sa 2 bata sa kanyang unang asawa. Naghiwalay sila ng dati niyang asawa dahil naalala umano niya ang kanyang nakaraang buhay. Naniniwala siya na nasa ika-22 beses na siya ng pag-inog ng buhay o reincarnation daw.

Ngayon, nakita na niya umano ang kanyang soulmate na para talaga sa kanya na si Mary Suzanne na kung saan nabuhay aniya si Maria Magdalena sa katauhan ng 32-anyos na bebot. Nang magsama ang dalawa, itinatag nila ang samahang Divine Truth sa Wilkesdale. Bumili ang kelot ng 16 ektaryang lupa roon at ang kanyang mga tagasunod ay bumili rin ng lupa sa Wilkesdale upang mapalapit sa kanilang espirituwal lider.

Noong taong 2009, ang mga miyembro ng samahan ay nagkaisa at bumili ng US$400,000,250 na ari-arian, kung saan ay doon nila idinaraos ang kanilang mga pagpupulong at nagpagawa ng gusali para sa mga international visitors. Ang mga nag-aalalang mga kaibigan at pamilya ng miyembro ng samahan ng dalawa ay nakipag-ugnayan sa Cult Awareness and Information Center upang balaan ito. Na ang mga miyembro ng samahan ng magdyowa ay ipinagbibili na ang kanilang mga bahay upang magtungo na sa Wilkesdale.

Sa lupaing pag-aari ng ‘Divine Truth’ ay gumawa sila ng hugis krus na pamayanan na ayon sa mga taga-roon sa Wilkesdale ay hindi naman talaga sinadyang gawin. Ayon sa mga deboto, iyon aniya ay tanda ng divine sign.

Ayon kay Miller, milyong katao umano ang nagsasabing sila ang kahalili ng Cristo. Pero, isa lang umano ang karapat-dapat. At kung bakit niya sinabing siya iyon ay dahil naaalala umano niya ang nakaraan niyang buhay sa nakalipas na 2,000 taon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here