ANG ‘RIVER OF FIVE COLORS’ SA COLOMBIA

Ravenson Biason

Karaniwang colorless o walang kulay ng tubig sa ilog. Kung ang isang ilog ay tinambakan ng kemikal, basura at iba pang bagay na nagpapapangit dito, nariyang makikita nating kulay itim, kulay putik at iba’t pang kulay ang tubig ng ilog,  depende sa kemikal na itinapon dito.

Subalit, ang isang ilog sa bansang Colombia ang sadyang pambihira ang taglay na kagandahan. Talagang biyaya at yaman ng kalikasan ang pambihirang kariktan nito, na hindi makikita sa ibang ilog sa ibang panig ng mundo. Bakit?

Ang ilog ‘Cano Cristales’ ang tinaguriang pinakamagandang ilog sa buong mundo. Kung kaya’t tinagurian itong “River of Five Colors” dahil sa limang kulay ang bumubuo sa kulay ng tubig nito. Ang naturang ‘Rainbow River’ din ay isang unique biological wonder na ang mga kuhang larawan dito ay hindi pineke. Walang photographic tricks.

Ang mistulang bahagharing ilog ay binabalangkas ng kulay na karaniwang pula, bughaw, dilaw, luntian, at lila ang kulay sa tubig nito na parang holes o butas. Ang ‘bed of rocks’ o ang baturan ng ilog ay nababalutan o tinatabunan dull o tuyong kulay green na mosses o flowerless plant na isang uri ng halamang Musci.

Isa pa ang halaman ay ang cool dark blue current. Mula sa mga halamang ito na nasa siping lang ng ilog ay nabubuo o nagkakaroon ng organismo na siyang nagbibigay ng kulay sa ilog. Gayunpaman, sa maikling panahon o minsan sa isang  taon, ang naturang ilog ay nagkukulay bahaghari nga dahil doon. Kapag wet season sa bansang Colombia, ang tubig sa ilog ay umaagos ng mabilis at malalim. Sa pag-agos ng ilog ay nahahagip ang mosses at algae na nabubuo sa ilog na mas detalyado pa kapag nasisikatan ng araw.

Kaya naman, ito ang nagbibigay kulay sa ilog sa iba’t-ibang kulay. At kapag dry season, walang sapat na tubig naman ang sumusuporta sa dazzling array o liwanag (mula sa araw) na siyang nagbibigay ng kulay sa tubig ng ilog. Kaya, hindi mo makikita ang nagiging rainbow ng kulay ng tubig dito.

Ngunit, sa pagitan ng wet at dry seasons, ang lebel ng tubig sa ilog ay tama lang, maraming varieties o uri ng algae at moss ang namumukadkad o litaw sa pamamagitan liwanag na nagbibigay o nagdi-display naman ng mga kulay sa ilog kung kaya’t nagiging kulay rainbow ang tubig nito. Kung minsan ay nababalutan naman ng libong anino ang ilog na nagbibigay pa ng mas matinding detalyadong kulay dito.

Ang bilang ng maraming adventurerong Colombian tourist agencies ang siyang nagdadala ng maraming biyaherong nais makita ang naturang ilog sa ‘La Macarena Mountains kung saan umaagos ang ilog. Ang River Cano Cristales ay may lawak na 20 metro at umaagos sa habang 100 kilometro.

Walang kalsada ang direktang madadaanan papunta sa ilog, kailangang sumakay ng kabayo ang isang turista kapag dumaan sa libis. Sa kabila na medyo mahirap puntahan ang ilog dahil wala ngang kalsada. Kundi, dadaanan ka sa pilapil. Dahil sa kakaibang ganda ng ilog,  lumakas ang ecotourism sa naturang pook.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here