ANG PROPESIYA SA CHERNOBYL DISASTER

Ravenson Biason

Ang mapalad na babae na tinatawag ng karamihan na Mama Mary na ina ng ating Panginoong Jesucristo ay nagpapakita umano ng mga pangitain kapag ang daigdig ay nasa kritikal na kondisyon. Ito ay upang babala ang sangkatauhan sa mga panganib at upang tumulong na rin.

Isa na sa mga nakitang aparasyon ni Mama Mary ay noong French Revolution, Noong isang rebelyon ng taong 1917 at ang rebelasyon sa bagong era noong taong 1986.

Ang imahen ng isa sa pamosong karakter na babae sa Biblia ay nagpapakita sa mga libo-libong deboto sa Grushevo sa bansang Ukraine bago maganap ang trahedya sa Chernobyl. Sa bansang Rusya, ang kanyang rebelasyon umano ay ipinahayag ni Bishop John na naniniwalang may pagka-propeta siya. Nagsalimta umano sa kanya ang ina ni Jesus at nagbabala tungkol sa napipintong nuclear disaster.

Ayon pa kay Bishop John, ang mga tao ay hihingi ng tulong sa Panginoong Diyos kapag naganap na ang sakuna. Sinabihan din siya na ilagay ng mga taong nainirahan sa Chernobyl ang kanyang imahe sa base ng kani-kanilang mga orasan (wall clock) sa bahay. Kaya, kapag nakatingin umano roon ang mga deboto at nanalangin ng buong puso’t kaluluwa ay makakatiyak sila para sa kanilang kaligtasan.

Ang resulta, ang mangyari ang Chernobyl disaster, ang mga taong gumawa nun ay naligtas sa gitna ng pinakalamakas na radiation pagkatapos ng nuclear accident. Nakaligtas umano sila dahil sa babala at pananalig sa Diyos sa tagubilin ni BIshiop John na mula naman umano kay Mama Mary.

Isa sa mga tanyag na aparasyon na naganap ay noong taong 1917 sa maliit na bayan ng Fatima sa bansang Portugal. Nakita ng 3 shepherds na mga kabataan ang imahe ni Mama Mary upang ihayag ang mahahalagang bagay at lihim tungkol sa maaaring maganap sa daigdig. Pagkalipas ng apat na dekada, saka lamang napagtanto ng Vatican ang pangyayaring iyon bilang Miracles of Fatima at nagging sagradong pook ang Fatima bilang lunan ng pagsamba.

Ayon sa Vatican, inihayag ni Maria sa mga kabataan sa Fatima ang mga mangyayari sa buong yugto ng ika-20 siglo gaya ng katapusan ng World War I, simula ng World War II, at ang pagsibol at pagbagsak ng komunismo. Anila, ang isa sa unsolved mysteries sa nakalipas na 7 taon mula nang maganap ang Chernobyl Disaster ay ang tangkang asasinasyon kay Pope John Paul II noong taong 1981. Pero, anila, kung marami lamang ang nakinig sa babala noon na magkakaroon ng trahedya sa Chernobyl, naagapan sana ito at hindi na ikinasawi ng maraming buhay.

SHARE
Previous articleAng Istilo ng Virgo
Next articleLove Horoscope; Hulyo 29
Avatar
Ravenson Biason: Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here