Ang Probinsyano Review: Anong klaseng asawa ka, Cardo?

570

Mia Salonga

MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

SA romance pocketbook, ang hero ay dumarating sa takdang oras n a kailangan siya ng heroine kaya naman nakakabuwisit na hindi dumating si Cardo Dalisay nang oras na napapahamak si Alyanna. Sabihin man na nasa malayo naman si Cardo, hindi pa rin katwiran iyon dahil maaari naman talagang nasa malayo si Cardo pero sana naman ay inilagay iyon sa panahon na nakasunod si Cardo sa kanyang misis. Mas nakakakilig iyong ganoon pero iba ang tinakbo ng istorya.

Iniligtas si Alyana ng kanyang Boss na ginampanan ni JC Santos kaya kung tutuusin, ito ang kanyang naging tagapagligtas. Kahit na sabihin na ito naman talaga ang nasa malapit at maaaring sumaklolo sa kanya parang nakakainis pa rin na ito ang nag-save kay Alyanna. Kung isang romantic teleserye lang kasi ito’y parang sinasabing maaaring magtaksil si Alyanna sa kanyang mister.

Anong klase nga ba talagang mister si Cardo? Ang sagot, pabayang asawa dahil mas pinairal niya ang kanyang emosyon. Ang inintindi lang niya ay ang naramdam niya ng mamatay ang kanilang anak na si Ricky Boy. Sana sa halip na nagpakasama siya ay nagpakabuti na lang siya. Kaya nga lang, kinailangan niyang mapasok ang kuta ng Pulang Araw at hindi ako nakumbinse roon. Sa totoo lang ay ikinabuwisit ko dahil sa napasama ng landas ang pulis na hinahangaan ng maraming kabataan.

Dahil sa hindi na huwaran si Cardo Dalisay sa mata ng maraming tao, mapabata man o mapamatanda, parang mas maigi pang wakasan na ang programang ito na nagdudulot lang ng masamang ehemplo sa mga manonood lalo na sa mga kabataang umiidolo kay Ricardo Dalisay. Sabihin man nila na ang Vendetta ay nagliligtas ng mga kabataan laban sa mga pulitikong nagbebenta ng droga, hindi pa rin makabubuti na sila ay nakikitang pumapatay. Mas katanggap-tanggap pa siguro kung lulumpuhin lang nila ang mga pulitikong ito dahil ang maging baldado ay higit pa sa kamatayan.

Sa tingin ko tuloy ngayon, parang sinasabi ng palabas na Ang Probinsyano ay bad influence na lang. Para ring sinasabi na ang asawang nasa malayo, na hindi dumadating sa takdang oras na kailangan siya ng kanyang misis ay pwede na ma-in love sa iba. Hindi nga ipinagkakaila ni JC na may gusto siya kay Alyanna. Pero, kahit naman sinong lalaki ay maaaring magkagusto kay Alyanna lalo pa’t maganda naman siya kaya lang hindi pa rin iyon maganda sa paningin ng manonood lalo na sa mga kabataan. Sana lamang ay mas maging matibay si Alyanna sa pag-iisip na bilang asawa, si Cardo lang ang mamahalin niya.

Saka, mahal din naman ni Cardo si Alyanna. Hindi man niya nasagot ang tawag ng kanyang misis, pumunta nama siya sa bahay para personal na alamin kung bakit siya tinatawagan nito.

SHARE
Previous articleEstranded sa airport dahil mga ‘nangyari’ sa Kuwait
Next articleHappy Valentine’s Day, Maru at Jhen
MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here