ANG POSIBLENG KARAMDAMAN TINATAGLAY AYON SA IYONG MUKHA

0
1710

Hanggang ngayon ay laganap pa rin ang ancient Chinese medicine. Ang mga sinaunang dalubhasa sa medisina ay nakagawa ng paraan upang ma-trace ang anumang karamdamang posibleng tinataglay sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa mga tanda nito sa ilang parte ng ating katawan tulad ng paa, kamay, at mukha.

Ayon sa ancient Chinese medicine, ang lahat ng ating internal organs ay konektado sa ilang bahagi ng ating katawan.

Ngayon ay iisa-isahin ko ang mga organs na konektado sa bawat parte ng mukha. Ang paglitaw ng acne, butlig, taghiyawat, o iba pang skin problem sa anumang parte ng mukha ay isang senyales o tanda ng ang isang organ mo ay may diperensiya.

Narito ang mga internal organs na konektado sa ilang parte ng ating mukha. Kung saan parte o bahagi ng mukha ka tinutubuan lagi ng acne, taghiyawat, butlig, o iba pang skin problem, sinasabing dito ka may problema.

1.   Pagitan ng dalawang kilay (Liver o Atay)—Kung ikaw ay may problema sa panunaw o digestion; at ikaw ay mahilig uminom ng alak at iba pang gamot kahit hindi ito inirereseta o mag-self-medicate, ang tendency ay magkaproblema ang iyong atay o liver. Kung may tumutubong acne, butlig, taghiyawat, o anumang marka sa pagitan ng dalawa mong kilay, senyales ito na may problema na ang iyong atay o liver.

2.   Sa Noo (Bladder at Small Intestine)—Ang mga butlig, acne, taghiyawat, o anumang skin problems na tumutubo sa iyong noo ay senyales na ang iyong body system ay nagsu-suffer na sobrang fats at iba ang toxic elements. Isa itong babala na dapat mo nang i-reassess ang iyong diet. Ugaliing uminom ng maraming tubig at umiwas sa mga fatty at processed foods, alcohol, at nicotine. Anumang kinakain ay may matinding epekto sa bladder at small intestine.

3.   Paligid ng mga mata (Kidneys)—Ang dehydration at malnutrition ay may negatibong epekto sa mga bato o kidneys. Anumang tumutubong skin problem sa paligid ng iyong mga mata ay indicator na may problema na ang iyong kidneys. Makabubuti kung umiwas na sa sobrang caffeine at alcohol intake at simulant ang healthy diet at routine.

4.   Mga pisngi (kidneys at lungs)—Ang mga skin problems sa iyong pisngi ay palatandaan na may problema na ang iyong mga bato at baga. Makabubuting umiwas na sa sobrang paninigarilyo, pag-inom ng alchol at soft drinks, at pagkain ng matataba at maaalat na pagkain. I-reassess na ang iyong health routine.

5.   Itaas na bahagi ng pisngi (lungs)—Kahit hindi ka manigarilyo, sa sobrang polluted na ng hangin ay possible talagang magkakasakit ka sa baga. Hangga’t maaari ay magsuot ng face masks kung lalabas ng bahay. Magtanim rin ng maraming halaman sa paligid, at maglagay ng ilang air purifying plants sa loob ng inyong bahay upang malinis ang hangin na inyong nilalanghap. Ugaliin ang regular breathing exercise—inhale and exhale.

6.   Ilong (heart)—kung ang ilong nyo ay palaging may acne, taghiyawat, o kaya ay maraming butlig-butlig, indicator ito na may problema ka sa puso. Iwasan ang mga salty food hangga’t maaari. Makatutulong rin ng malaki ang mga cardiovascular exercises tulad ng pagda-jogging.

7.   Bibig at baba o chin (stomach)—Ang palagiang singaw sa bibig at hindi mawala-walang mga taghiyawat, acne o butlig sa chin o baba ay palatandaan na puno na ng toxins ang iyong katawan, at naaapektuhan na nito ang iyong stomach. Ang sobrang caffeine at sugar intake ay pangunahing sanhi ng stomach problem tulad ng hyperacidity. Ugaliing kumain ng mga green leafy vegetables at mga pagkain puno ng fibers upang malinis ang iyong stomach. Iwasan din ang mga fermented o processed food na pangunahing kalaban ng linings ng stomach.

8.   Leeg (hormone). Ang mga skin problems na sumusulpot sa leeg ay palatandaan ng hormonal imbalance. Makatutulong ang pagkonsulta sa doktor upang matingnan ang hormone level ng iyong mga glands.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here