Ang Pinakasensitibong Zodiac Sign

347

Latest posts by Madame Yna (see all)

Ikaw ba yung tipo ng tao na madaling maapektuhan ang damdamin? Yung nag-aalala ka sa reaksyon at sa sasabihin ng ibang tao? Yung takot kang makagawa ng pagkakamali dahil hindi mo gusto na makasakit ng damdamin ng iba. Kaya naman nabubuhay ka ng para kang nakatuntong sa mga numero na ikaw din ang may gawa. Although gustong gusto mo rin ang nakikihalubilo sa mga tao at gumagawa ng iyong pangalan sa napili mong larangan,nandoon pa rin yung pagiging sensitibo mo sa iyong sarili at sa ibang tao. Para itong nakadikit na sa iyong personalidad. Kung taglay mo ang mga nabanggit ko, marahil ay isa kang PISCES.

Maaari nating isipin na lahat ng mga sensitibong tao ay introverts.  Yung mga tao na nahihiyang makihalubilo sa iba at ang tanging concern lang nila ay ang sarili nilang nararamdaman at sarili nilang opinyon. Pero hindi ito totoo. Ang isang sensitibong tao ay maaari ring maging extroverts. Mas empathetic nga lang sila at emotionally reactive kaysa sa ibang extroverts.

Bilang pinakasensitibong zodiac, ang Pisces ay inaalam ang mga detalye sa bawat bagay. Gumagamit din siya ng iba’t-ibang taktika upang makaiwas sa mga kritisismo ng mga tao sa paligid niya lalo na yung mga tao na mataas ang pagtingin niya tulad ng kanyang boss. Sa kanilang pagiging sensitibo, mas malalim ang kanilang pagtingin sa mga bagay bagay, kasing lalim ng kanilang emosyon. Kaya naman kapag sila ay nagkaroon ng mga traumatic experiences ito ay maaaring magdala sa kanila sa depression. Ang bawat pinagdadaanan ng isang Piscesian ay pinoproseso niya sa isang paraan na mahirap arukin ng ibang zodiac.

Sinasabi na sa sobrang pagkasensitibo ng isang Pisces ay parang imposible sa kanya ang hindi maging masyadong emosyonal. Kaya naman sa ranking ng mga sensitibong zodiac signs, ang Pisces ang siyang nangunguna na pinapangalawahan ng Cancer. May maganda rin naman dulot ang pagiging sensitibo ng Pisces. Inaalala niya ang damdamin ng bawat isa lalo na ang mga mahal niya sa buhay. Gayunpaman marami pa rin ang nakakamisinterpret sa kanya. fffffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here