Ang Pinakamisteryosong Zodiac Sign

0
390

Latest posts by Madame Yna (see all)

Kapag sinabing misteryoso, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Halimbawa ay sa isang tao, paano mo nga ba masasabi na siya ay isang misteryosong tao? Ito ay kapag siya ay mailap. Hindi nakikipagkuwentuhan at nakikisalamuha sa maraming tao. Kapag siya ay may mga bagay na ginagawa na nagiging palaisipan sa’yo. Yung tipong mahirap arukin ang nilalaman ng kanyang puso’t isipan.Yung tipong may karamutan siyang ibahagi ang mga bagay na may kinalaman sa kanyang sarili.

Sa pananaw ng ibang tao, wala naman daw talagang tao na misteryoso. Ito ay salitang ikinakabit lang natin sa kanila kapag hindi natin sila maintindihan o hindi natin magawang mapanghimasukan ang pribado nilang buhay at pag-uugali.

Sa mga zodiac sign, sino nga ba ang masasabi na pinakamisteryoso? Ang nangunguna sa listahan ang siyang tatalakayin natin at ito ay ang AQUARIUS. May mga katangian ang pagiging misteryoso. Hindi porket mahilig kang magsuot ng black na damit at mahilig kang tumayo sa isang sulok na walang katabi ay misteryoso ka na. Para sa akin ang pagiging misteryoso ay unpredictable. Tulad ng isang Aquarius.

Ang Aquarius, siya yung tipo na mapag-obserba sa lahat ng bagay. Halimbawa sa isang pagtitipon, tahimik lang siyang makikinig. Oobserbahan ang bawat kilos ng mga tao sa paligid. Pakikinggan at pag-iisipan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng mga magsasalita. Pag-iisipan ang kanilang mga sinabi. Bibigyan ng kahulugan ang mga nakita niyang pagkilos. Subalit lahat ng kanyang obserbasyon ay hindi mo maririnig mula sa kanya. Hindi niya ito sasabihin sa’yo o sa kaninuman. Ang lahat ng kanyang obserbasyon ay ililista niya sa kanyang utak na parang nagsulat siya sa kanyang diary. Mula sa kanyang mga naipong obserbasyon ay saka siya bubuo ng sarili niyang plano na hindi kakailanganin ang tulong ng iba. Anuman ang tumakbo sa kanyang utak ay hindi mo iyon mababasa dahil magaling siyang magtago ng damdamin. Dahil walang nakakaalam ng nilalaman ng kanyang isip kaya anumang oras ay maaari niyang baguhin ang kanyang plano sa paraan na gusto niya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here