Ang patuloy na pakikipaglaban ng mga pilipino sa mga taong nasa likod ng Dengvaxia

688

Paano kapag nalaman mo na ang dahilan ng kamatayan ng iyong anak ay dahil din sa kagustuhan mong mapabuti siya’t maiiwas sa malalang karamdaman? Kaya, magpahanggang ngayon ay hirap pa ring tanggapin ng mga magulang ang sinapit ng kanilang anak na nagpa-inject ng Dengvaxia  

Isang malaking tulong lamang pala ang dengvaxia kung ang tao ay nagkaroon na ng dengue ngunit ito pala napakadelikado para sa mga taong hindi pa kailanman nakaranas ng nasabing sakit. 

At matapos ang ilang buwan ng pag-iimbestiga ay isa-isang naglalabasan ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng iilang bata na naturukan ng dengvaxia. Dahil dito, napakaraming magulang ngayon ang galit hindi lamang kay dating Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin at kay dating Pangulong Noynoy Aquino na siya raw ang may pakana sa problemang kinakaharap ngayon ng bayan dahil sa dengvaxia. 

Hindi tuloy masisisi ng marami kung nitong Lunes lamang ay sinugod ng mga magulang ng mga batang nabakunahan ng nasabing gamot ang dating DOH secretary nang humarap siya sa Kamara. 

Marami ang halos maghisterya na sa galit lalo pa at ang ilang mga magulang ay pinaturukan ng dengvaxia ang lahat ng kanyang anak. 

“Nakakalungkot na humantong sa pananakit, humantong sa panghahampas, humantong sa panununtok, nawawala tuloy yung hinaing  ng ano yong katotohanan? I appeal for sobriety. Those who fan the hysteria should think twice and put public welfare above all else. It’s deplorable because those who were behind the commotion were just using the victims. This should stop.” Ito ang saad ng dating DOH Secretary. 

Ngunit masisisi nga ba niya ang taong-bayan sa galit na nararamdaman para sa kanya at sa iba pang opisyal o dating opisyal?

Ayon naman sa Public Attorney’s Office o PAO ay kakasuhan nila ang mga dapat managot sa kamatayan ng mga inosenteng bata na naging biktima lamang ng pagiging ganid ng mga taong ito. 

“Meron tayong physical evidence, hindi records lang. Dahil ang UP-PGH puro records lang ang kanilang inaral. Pero ang PAO, forensic analysis po ay kumpleto.” Ito ang saad ni PAO Chief Atty. Persida Acosta sa isa niyang interview.

Ngunit idene-deny naman ito ng Sanofi. “In Dengvaxia clinical trials conducted over more than a decade over one million doses of the vaccine administered, no deaths casually realted to the vaccine have been reported to us.”

At kahit pa ipinagpipilitan ng Sanofi at ni dating DOH secretary Janette Garin na walang namatay dahil sa dengvaxia ay tila hindi huhupa ang galit ng mamamayan lalo pa ng mga magulang na apektado sa mga pangyayari hanggat hindi nabibigyang hustisya ang kamatayan ng kanilang mga mahal na anak.

Kaya naman ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC at ang Vanguards of the Philippine Constitution, Inc. o VCPI ay pormal na naghain ng administrative complaint sa mga executives ng DOH.

 

SHARE
Previous articleThe Good Son Review: Huli na si Calvin
Next articleHoroscope, Pebrero 12, 2018
Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious things but is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here