Ang Pasensya na Dapat ibigay sa Taurus (April 20 – May 20)

Naku,talagang ibayong pasensiya ang kakailanganin mo kapag inibig ka sa taong Taurus lalo na’t isa siyang lalaki. Hindi kasi niya magagawang kontrolin ng husto ang kanyang sarili na halikan at yakapin ka kapag may pagkakataon. At madalas, higit pa riyan ang gusto niyang gawin dahil nga ibig niyang iparamdam sa’yo na talaga namang sinasamba ka niya kaya naman palagi niyang ginagamit sa’yo ang kanyang 5 senses. .

Ibig sabihin, gusto niyang lagi kang naririnig, nakikita, naamoy, nahahawakan at natitikman. Sa tingin ng iba ay isa siyang manyakis pero hindi ganoon iyon dahil sa iisang tao lang naman niya gustong ginagawa ito. Kaya, kung magagawa mong patibukin ang puson niya, dapat din ay ganoon ang gawin mo sa kanyang puso para tuluyan na siyang hindi makakawala sa’yong kamandag. ©PhilippineOne.com  2020

Kung minsan kasi ay masyado rin siyang sigurista. Ibig niya kasing ang kanyang makakarelasyon ay iyong kapantay ng kanyang estado at hangga’t maaari ay nasa isang mundo lang sila. Tulad nga ng sinabi ko kanina, mas ibig niyang pairalin ang kanyang 5 senses. Ayaw din naman niyang mapahiya siya sa mga nakakakilala sa kanya kaya ibig niyang tiyakin palagi na ang makakarelasyon niya ay talaga namang maipagmamalaki.

Iyon nga lang, hindi siya dapat magpatali lagi sa lumang paniniwala. Kung noon ang mga babae ay sunud-sunuran lang sa gusto ng lalaki, ngayon ay mayroon na silang boses na dapat pakinggan. Kung magiging matigas ang ulo ng Taurus na panindigan ang kanyang gusto at paniniwala niya, madi-disappoint lang siya sa huli. Kaya, talagang kailangang matutong tumanggap ng pagkatalo. ©PhilippineOne.com  2020

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here