ANG PASAWAY AT ANG MASUNURIN: Part Six

0
384

“ANO ang drama mo?” inis na tanong ni Anna Maria. Kung sitahin man niya ito na parang feeling close na siya, wala siyang pakialam. Nakakinis ksi ang hirit nito. Parang gusto nitong ipakita sa knya na napkbuti nitong tao. At para sa kany, isang mlking kalokohan iyon.

Ipinatapon ito ni Sir Ricardo sa Nueva Ecija dahil pasaway ito. Sa madaling salita, hindi ito dapat pagkatiwalan. Ibig sabihin, hindi niya dapt pagktiwalaan ang anumang sasbihin nito lalo na kung parang nagpapa-cute ito sa knya.

Hindi siya dapat maniwala sa lahat ng ipinapaakita nito. Kung sasabihin man ito sa Lola Trining nito na magiging mabait sa kanya, hindi niya ito dapat paniwalaan. Maaari kasing binobola lang siya nito. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon na sitahin ito, pinameywangan niya ito at pinaningkitan ng mga mata.

“Alam mo ba mas gumaganda ka kapag nagagalit?” Nakangiting sabi nito sa kanya.

“Hindi mo ako madadaan sa pambobola mo, ano,” inis niyang sabi rito kahit parang nagja-jumping jack ang kanyang puso.

“Sino ba naman kasi ang nagsasabi sa’yong binobola kita? May salamin ka ba sa bahay ninyo?”

Marahas na hininga ang kanyang pinawalan sa tanong nito. “Kahit naman mahirap kami, mayroon pa rin kaming salamin, ano.” Natigilan lang siya nang maalala niyang si Lola Lily nga pala ang nagbigay sa nanay niya ng salamin. Pero siyempre, hindi naman iyon malalman ng kaharap kaya may ‘k’ pa siyang magtaray dito.

“Eh, bakit hindi mo nakikita kung gaano ka kaganda?”

Kung hindi lang niya nakagat ang kanyang dila, tiyak niyang napangiti na siya. Talaga naman kasing kinilig siya sa sinabi nito. Para tuloy may humaplos sa kanyang puso. “Ay naku, pwede ba, hindi mo ako madadaan sa ganyan?”

“Talaga?”

“Yes. Sabi ng mga lola mo, kailangang matuto mo sa mga gawaing bahay at kung sa palagay mo ay maaawa ako dahil sa mga pambobola mo, nagkakamali ka. Pero, tama ka, maganda ako. Hindi mo na kailangan pang ulit-ulitin sa akin.” Nakanguso niyang sabi rito. Mas maigi ng malamaan nito na over confidence siya kaysa makita nito kung paano siya kiligin.

Humalakhak ito.

Naningkit ang kanyang mga mata. Sa ginawi nito, napatunayaan lang niya na hindi bukal sa loob nito ang mga sinabi sa kanya. Para tuloy dinidikdik ang kanyang puso. Masakit. Sobrang sakit. Ngunit, hindi niya siyempre dapat ipahalata dito iyon.

“Huwag ka na tumawa dahil walang nakakatawa. Baka mamaya ay bumalik ka agad sa Manila.”

“HIndi ko na gusto ngayong bumalik sa Manila.”

“Sinungaling.”

“Alam mo ba kung bakit? Kasi nandito k na, eh. Ako nga pala si Dondon,” wika nito saka inilahad ang kamay.

Tiningnan lang niya ang kamay nito. Feeling kasi niya ay makukuryente siya  kapag tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.Kaya naman inirapan na lang niya iyon. “Sigurado naman akong alam mo na Anna Maria ang pangalan ko kaya pwede ba, huwag kang feeling.”

“Ano?”

“Kung inaakla mo na tulad ako ng ibang babae na makukuha ng pa-cute mo, nagkakamali ka.”

Napangisi ito.

Kinabahan siya. Para kasing may kakaiba sa ngiting iyon. “At least napansin mo na cute ako. Okay na sa akin iyon para kiligin ako,” marahan nitong sabi sa kanya. (Itutuloy)

Next Page

Previous Page

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here