ANG PAMBIHIRANG KAKAYAHAN NG ‘THE RAINMAKER’ NG KANSAS (IKA-2 BAHAGI)

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Sadyang kakatwa at pambihira ang kakayahan ni Charles na makagawa ng ulan. Isang misteryo noong early 20th century na mahirap ipaliwanag para sa mga taong manghang-mangha rito. Kaya naman, napabilib sila at kumbinsidong kayang kontrolin ni Mallory ang lagay ng panahon sa kanyang lihim na kaalaman. Ano nga ba ang sikreto ni Charles na kanyang inihayag kalaunan?

Sa pamamagitan ng paghahalo ng sikretong mixture na binubuo ng 23 kemikal na nakasilid sa malaking galbanisadong tangke o evaporating tanks, sinabi ni Charles na ito ang pamamaraan niya upang makalikha ng ulan. Tinatawag niyang ‘Moisture Accelerator’ ang naturang imbakan o aparato. Ito ang kanyang ginawa nang magpaulan  siya sa San Diego noong Enero 20, 1905.

Makalipas ang anim na oras, bumuhos na ang malakas na ulan sa naturang pook. Inalok ng council si Charles babayaran ng $3.5 million dollars basta itigil lang ang pag-ulan at kung sino ang may gawa nun. Kasi, itinanggi niyang siya ang maygawa noon. Aniya, iyon ay ‘Act of God’ at hindi maaaring pigilan. Gayunpaman, batid ng mga taga-San Diego na siya ang maygawa noon kaya binansagan siyang “The Rainmaker”.

Isa sa kabayanihang ginawa ng Rainmaker ay ang natapong kemikal na nasa bariles sa California desert (Sand Canyon). Ngunit, itinala ng weather bureau roon ang 250 in. of rain sa loob lamang ng isang oras (higit sa current record ng Guiness na 73.62 in. sa loob ng 24 oras) na likha ni Charles.

Ilan sa mga tala ng kanyang pagiging rainmaker ay ang itaas ng level ng tubig sa Lake Hemet Land and Water Company na may imbak na 22 feet. Kumolekta siya ng $1000 sa Los Angeles Chamber of Commerce sa papapadala ng 18 in. ng ulan mula Enero hanggang Mayo 1905. Naglakbay siya sa Klondike noong 1906 at pinaapaw ang ilog sa Dawson City. Kung kaya, ang mga minero ay nakapagmina ng ginto.

Pinarami rin niya ang supply ng tubig sa San Joaquin Valley sa loob ng 8 taon na ikinatuwa ng mga magsasaka roon. Kanya ring pinarami ang water supply sa San Diego kung kaya na-doble ang populasyon nito noong 1909.

Ang 13 bilyong galong supply ng tubig sa Morena (may 60 milyang layo mula sa east of San Diego) ay naging 5 bilyon na lamang noong Disyembre 10, 1916. Nangako si Charles na pupunuan niya ang kakulangan ng suplay ng tubig, kung kaya binayaran siya ng $10,000.

Kung hindi niya magagawa ay kukunin ang lahat ng kanyang ari-arian. Sa tulong ng kanyang kapatid na si Paul, gumawa sila ng “Rain Attraction and Precipitation Plant” na may 24 feet sa lower elevations ng Laguna Mountains. Noong Disyembre 1916, natapos ang 3 araw na matinding init nang pumatak ang 1.02 in. of rain.

Kumalat ang balita at naging bantog si Charles. Noong 1922, ipinatawag siya at pinapunta sa Naples ng Italian government para wakasan na ang tagtuyot doon sa pamamagitan ng pagpapadala ng ulan. Maging ang bansang Honduras ay nakinabang sa kanyang kakayahan noong 1930 para apulain ang forest fire na tumagal ng 10 araw.

Nagpadala siya ng 15 in. of rain sa loob ng dalawang buwan. Pagkatapos ng 503 matagumpay na rainmaking attempts, itinigil na ni Charles ang kanyang kakaibang raket at nanatili sa Eagle Rock (isang suburb place sa Los Angeles), kung saan ay bumili siya ng mga sewing machines.

Lumala ang kanyang varicose veins dahil sa pagiging rainmaker. Ngunit bumalik sa San Diego upang gumawa pa ng ilang serye ng paglikha o paggawa ng ulan para punan ang mga reservoirs doon. Noong 1956, sa edad na 81- taong gulang ay dumalo siya sa Hollywood premiere ng pelikulang ‘The Rainmaker’ na ginawa dahil siya ang naging inspirasyon at alay sa kanyang bilang taga-likha ng ulan. Namatay si Charles noong Enero 12, 1958.

Sa susunod, tatalakayin natin ang kumpletong kronolohiya ni Charles M. Hatfield bilang isang Rainmaker.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here