Ang Pamamaalam ni Starla

163

Ilang  araw na lamang ay magtatapos na ang  teleseryeng Starla na  pinagbibidahan

nina Judy Ann Santos bilang Atty. Teresa Dichavez  at Jana Agoncillo bilang Starla kaya tiyak na marami ang  malulungkot lalo na ang  mga bata. Punung puno naman kasi ng  aral ang  palabas na ito saka nagbibigay ng  pag asa ka kailangan nating  lahat lalo na ang  mga taong  kumakapit na lamang  sa himala.

Hindi kasi lahat ng  tao ay ipinanganak na masuwerte. Marami sa atin ay nakakaranas ng  paghihirap kaya naman nakagagawa tayo ng  desisyon na maaari nating ikapahamak tulad na lamang  ng  pag dating  ng  pekeng bayani tulad na lamang ng mga Rosales sa Barrio Maulap. Mabuti na nga lang  at may batang  nagngangalang  Buboy (Enzo Pelojero) na siya talagang  nakakatulong  para mabago ang  buhay ng mga tao sa baryo.

Ngunit kahit naman nakapagbigay ng  inspirasyon sa atin ang  palabas na ito ay kinakailangan pa rin nilang  magpaalam agad dahil lahat naman talaga ng  bagay sa mundong ito ay mayroon ding  katapusan.Gayunpaman, tiyak na di rin naman malilimot ang kanilang teleserye dahil talaga namang nakapagbibigay ito ng aral.

Masyado nga lang masama ang papel ni Joem Bascon na gumanap bilang  Atty. Dexter dahil siya na ang tumayong kontrabida. Kahit naman masama ang asal niya sa teleserye ay ipinakita naman niya kung  gaano siya kagaling umarte kaya naman mas gumanda ang palabas na ito.

Kaya, sana ay sabay sabay nating alamin ang katapusan ng Starla.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here