Ang Pagtatapos Patungo sa Bagong Simula

0
723
PhilippineOne student article/poem on graduation

“Sa bawat pagtatapos ay may bagong simula

Sa bawat taon ay may bagong pag-asa

Sa bawat buwan na lumilipas ay may lungkot at saya

At sa bawat sikat ng araw ay may panibagong memorya.”

         

Tulang sumasalamin sa mga mag-aaral na magsisipagtapos ngayong taon.

Ikaw, bilang isang mag-aaral na kagaya ko, may sumasalamin din ba sa’yo ngayon?

Maaring hindi ngayon, hindi bukas, hindi sa isang linggo, ang oras ng iyong pagtatapos

Kaya sumunod ka muna ngayon kung saan ka man dadalhin ng agos.

 

Ang sarap isipin na sa mahabang panahon na ginugol mo sa paaralan, ay hindi na pala maaaring ibalik ang kahapon

Pagpupuyat para gumawa ng takda at pagrereview kasama ang mga kaibigan o kaklase mong handa sa bawat hamon

Kaagapay mo sa pagbagsak at pagpasa sa bawat exam na ginaganap

Ang hindi mo alam, mauubos na ang oras dahil tatahakin niyo na ang kanya-kanyang pangarap.

 

Ang sarap isipin na sa mahabang panahon na ginugol mo sa paaralan, nakatagpo ka ng bagong pamilya

Kasama mo sa kalokohan, sa selebrasyon, at sa galaan

Syempre hindi mawawala ang pagkakaroon ng asaran, hindi pagkakaintindihan, at tampuhan

Sa ganitong paraan nabuo ang mabuti, matatag, at hindi mapapantayang samahan

Na hindi natin alam kung patuloy na magtatagal, o hahantong din sa pagtatapos.

 

Ang sarap isipin na sa mahabang panahon na ginugol mo sa paaralan, ay makakamit mo ang envelope na naglalaman ng diploma

Dugo at pawis ang inilabas mo upang makuha ang isa sa mga pangarap mo

Ngunit ang sakit isipin na ito rin pala ang magiging dahilan ng kalungkutan, at pagpatak ng luha mula sa mga matang makakasaksi ng mga matatamis na ngiti at kaligayahan

Na ang diplomang ito, ang magiging hudyat nang pagtahak ng panibagong yugto ng kanya-kanyang buhay.

 

Araw, oras, minuto, segundo

‘Yan na lang ang natitirang panahon sa’yo

Dahil sa oras na dumating ang pagtatapos,

Kasabay nito ang pagbuo ng panibagong agos.

More Poetry

More Student Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here