Ang Paghihirap ni Utol sa Afghanistan

Ang pagiging isang OFW ay talagang napakahirap na trabaho, hindi lang dahil sa malalayo ka sa pamilya mo kundi sa paghihirap na kakaharapin mo kapag nasa ibang bansa ka na. At ang paghihirap na iyon ay mas titindi pa kung papasok ka sa bansa na maraming kakaharaping panganib. Tulad na lamang ng kuwentong ibinahagi sa akin ni Christopher na Ang Paghihirap ni Utol sa Afghanistan

Ang kapatid niyang si Joel ay ibig na magkaroon ng magandang buhay kaya naman kahit na delikado sa Afghanistan ng panahon na iyon ay sinuong pa rin niya ang panganib. Ibig kasi ni Joel na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang anak, ina at kapatid. Noong kabataan kasi niya ay puro paghihirap lang ang kanyang nararamdaman dahil na rin sa hindi siya tunay na anak ng kinikilala niyang magulang sapagkat ang tunay pala niyang ina ay ang kanilang katulong at ang ama nila ay hindi nila kailanman nakilala.

Dahil sa mga pang-aapi na naranasan ni Joel ay sinikap niya talaga na makapanibang bansa. Okay lang na kahit na sa Afghanistan siya magpunta at magtrabaho bilang nurse, basta ang mahalaga sa kanya ay ang makapagpadala ng pera sa kanyang pamilya. Ibig kasi niyang magbago ang kanyang buhay kaya kailangan niyang maging matapang.

Nagawa naman ni Joel na kumita ng malaki sa maikling panahon lamang at mabigyan din ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Kaya nga lang itong si Christopher na pinagkatiwalaan niya ng kanyang pera ay naging bulagsak. Palagi na lang siyang nagpapahiram ng pera kung kani-kanino tapos ay hindi naman nababayaran. Sa madaling salita, nabalewala ang paghihirap ng kapatid niyang si Joel dahil nalustay ng nalustay ang perang dapat ay naipundar na nito.

Kahit na ganu’n ang nangyari, hindi naman dahilan iyon para magkasira ang magkapatid. Maaaring sumama ang loob ni Joel pero ang kapatid ay kapatid para sa kanya at hindi na kailanman mapapalitan.

Ikaw, may kuwentong OFW ka ba?

MAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here