ANG PAGBAGSAK NG UFO SA SALTA, ARGENTINA

0
71

Latest posts by BOBBY V. VILLAGRACIA (see all)

Kabilang ang pangyayaring itong may kaugnayan sa pagbagsak ng unidentified flying object o UFO na hindi nabigyan ng sapat na atensyon ng media na nasaksihan ng ilang dosenang taong naganap noong tanghali ng ika-17 ng Agosto, 1990, sa Salta, Argentina. Ngunit kahit iilang tao ang nakasaksi, maituturing itong makabuluhan at makatotohanang pangyayari dahil kabilang sa saksi ang pilotong si Tony Galvano na kumakain ng tanghalian sa nabanggit na lugar.

               Matapos makita ang kakaibang sasakyang panghihimpapawid na hugis bilog at kulay tanso na bumagsak sa nasasakupan ng nabanggit na bayan at nagkaroon ng malakas na pagsabog, mabilis siyang sumakay sa eroplanong Flystar at mabilis na pumaimbulog sa papawirin. At sa hangaring makita ng malapitan ang lugar na binagsakan ng hugis na bilog na bagay na bukod sa nagkaroon ng malakas na pagsabog, umalimbukay ang makapal na usok.

Ngunit hindi naganap ang gustong mangyari ng pilotong si Tony Galvano dahil pinigil ang sasakyan niyang panghihimpapawid sa paglapit sa lugar ng makapal na itim na usok dahilan kaya hindi niya nakita ang naganap sa crash site. Ngunit sa udyok ng masidhing pagnanais na malaman at makita ang naganap sa lugar, nagbalik siya sa paliparan makaraan ang dalawang araw at muling pumaimbulog sa papawiring lulan ng reconnaissance plane.

Hindi nabigo ang piloto sa misyon dahil malinaw niyang nakita mula sa himpapawid ang crash site at naibaba ang kinalululanang eroplano sa lugar na hindi kalayuan sa binagsakan ng hugis bilog na bagay. Sa masusing pagsisiyasat at pagmamasid sa crash site, nakita ni Tony Galvano ang mga nasirang damo at mga kahoy na nabunot ang iba kaya lumitaw ang ugat sa lupa na itinuring niyang ebedensya sa pagbagsak ng UFO sa lugar.

Bunsod pa rin ng kuryusidad na malaman ang naganap sa lugar na binagsakan ng hugis bilog na bagay sa Salta, Argentina kasama ang iba pang volunteer researchers, nagbalik sila sa crash site para ituloy ang imbisitigasyon. Ngunit hindi naganap ang nais mangyari ni Tony Galvano sa pagkakataong ito dahil hindi siya nakalapit at kaniyang mga kasama sa crash site dahil pinigil sila ng grupo ng mga taong may itim na kasuutang armado ng moderno at malakas na armas.

Kaagad nagpaliwanag ang piloto at mga kasama niyang volunteer researchers sa armadong grupong dumating sa lugar na binagsakan ng hugis bilog na bagay lulan ng kulay itim na heavy duty sport utility vehicle na magsasagawa rin ng imbistigasyon sa crash site. Ngunit hindi sila pinahintulutan, sa halip pinayuhan silang umuwi na lang sa kanilang bahay dahil sila na ang magsasagawa ng imbistigasyon sa crash site na hinihinala ng grupo ng pilotong may bumagsak na UFO.

“Forget it, Galvano, what’s coming down is very heavy”, utos ng pinuno ng armadong grupo sa piloto at mga kasama niyang volunteer researchers na handang-handa ng magsagawa ng imbistigasyon sa lugar na binagsakan ng hugis bilog na bagay. Dahil armado ng moderno at malalakas na armas ang grupo, walang nagawa si Tony Galvano at kaniyang mga kasama kung hindi lisanin ang crash site na tiyak nilang magbubunyag ng mga nakakubling bagay at pangyayaring may kaugnayan sa UFO.

Kuwento ni BOBBY V. VILLAGRACIA mula sa pananaliksik.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here