Ang Pagbabalik ni MOCHA USON

0
59

Latest posts by Izuh Mendoza (see all)

Matapos ang mga negatibo at mabibigat na kontrobersiya na kinasangkutan ni dating PCOO Assistant Secretary Mocha Uson, itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Deputy Executive Director V of Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nasa ilalim ng Department of Labor and employment (DOLE). 

Si Uson ay muling uupo sa gobyerno upang maglingkod sa taong bayan na hindi niya sapat na nagampanan noong siya ay nasa PCOO pa lamang. Matatandaang nag resign si Uson bilang Assistant Secretary ng Presedenatial Communications Operations Office (PCOO) noong 2018 sa dalawang kadahilanan:

(1) Dahil sa labis na pambabatikos ng taong bayan sa trabahong hindi niya nagagampaan ng maayos sa gobyerno. Maalalang binansagan ng mga Pilipino si Uson noon na “fake news” ng dahil sa mga maling impormasyon na ipinakakalat niya sa kanyang social media na walang kredibilidad. At isa pang rason ng pambabatikos ng taong bayan kay Uson ay ang sumikat niyang video noon tungkol sa “Federalismo” kung saan gumamit siya ng mga bastos na halimbawa sa pagpapaliwanag ng federalismo. At nadagdagan pa ang kontrobersya noong naantala ang budget ng PCOO.

(2) Siya noo’y nagpa-plano na tumakbo sa Halalan 2019 pasok si Uson bilang party list nominee ng AA-Kasosyo partyl ist ngunit siya ay natalo.

Matapos ang pagkatalo sa halalan 2019 siya ay nagbabalik at itinalaga bilang Deputy Executive Director V ng OWWA. Ayon sa Konstitusyon bawal italaga sa gobyerno ang natalong kandidato noong halalan sa loob ng isang taon pagkatapos ng eleksyon. Ngunit umalma ang COMELEC at sinabing hindi saklaw ang mga partylist nominee sapagkat ang tinuturing na tumatakbo sa halalan ay ang partylist at hindi ang indibidwal na tao.

Maraming umalma sa desisyon na ito ng presidente sapagkat taong bayan na mismo ang nakapuna ng pagiging hinid epektibo ni Uson sa kanyang trabaho. Ngunit pinal na ang desisyon ukol dito. Sa kabila ng napakaraming negatibong nagawa ni Uson nakapagtataka na parang ipinilit pa ding ipasok ng presidente si Uson sa gobyerno. Ano man yon, umaasa pa rin ang napakaraming Pilipino sa pagbabago hindi lang ang mga nasa Pilipinas kundi pati na rin ang ating mga Overseas Filipino Workers sa ibang bansa. Hindi man mabago ang desisyon nawa’y magsilbing aral kay Uson ang mga pangyayari noon upang ayusin ang kanyang muling pagta-trabaho sa gobyerno ngayon, at ipakita sa taong bayan na siya ay seryoso at karapat dapat umupo sa pwesto sa gobyerno.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here