Ang Pag Ibig ng Capricorn (December 22 – January 19)

Alam mo bang napakasuwerte  mo kung ang karelasyon mo ay isang Capricorn? Siya kasi ang tipo ng tao na napakaseryoso pagdating sa relasyon. Kaya naman kapag pormal ka niyang niligawan at kinuha niya ang loob ng iyong kapamilya, ibig sabihin nu’n gusto ka niyang pakasalan. Kaya kung ako sa’yo, huwag na huwag mo na siyang pawawalan pa. Isang malaking katangahan kasi kapag ginawa mo iyon.

Maaari ngang sa una ay mahirap makuha ang kanyang atensyon pero natural lang naman na di ka basta-basta magtiwala. Mahirap naman kasi talaga ang maloko. Gayunman, kapag nagawa na niyang ibigay ang tiwala niya, ikaw na ang pinakamasuwerteng tao dahil magiging tapat siya sa’yo habambuhay. Gaano man kasama ang ugali mo ay pipilitin ka pa rin niyang intindihin, tanggapin at mahalin.

O, siguro naman ay gusto mo ring maging maligayaa habambuhay? Kung ganun, matuto kang magtiwala kapag isang Capricorn ang umibig sa’yo dahil hinding-hindi niya dudurugin ang iyong puso. Sa katunayan, siya ang taong puprotekta sa’yo. Kapag kasi mayroong magsalita ng masama o gumawa sa’yo ng masakit, to the rescue siya palagi. Wala siyang awa sa mga taong nananakit sa damdamin ng kanyang minamahal.

Gayunpaman, may mga damdamin ang Capricorn na hindi niya masabi sa kanyang partner kahit gaano niya ito kamahal, ngunit, walang dahilan para ikaw ay magtampo. Ang kailangan mo lang ay unawain mo siya dahil darating din ang panahon na tuluyan niyang bubuksan ang kanyang sarili sa taong kanyang minamahal.

O, tandaan mo ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here