Ang Numerong Masuwerte

Bawat isa sa atin ay mayroong paboritong numero sa iba’t ibang dahilan. Maaaring iyon ang numero ng ating kaarawan o kaya naman ay may magandang nangyari sa atin sa petsa na iyon. Pupuwdeng anibersaryo ninyo ng iyong pinakamamahal o iyon ang petsa kung kailan mo isinuko ang ‘bataan’.

Ngunit, ang ibig kong pag-usapan natin ngayon ay ang numerong makakatulong sa atin kung paano natin makamit ang suwerte na ating hinahangad. Hindi lamang sa ating pag-ibig kundi sa ating buhay. Ang numero na tinutukoy ko ay ang otso. Kung iyong susuriin sa lahat ng numero ay siya lang ang walang butas. Ibig sabihin ay hindi makakapasok doon ang kamalasan at hindi rin naman lalabas ang suwerte.

Mananatiling maganda ang daloy ng positibong enerhiya na nakapaloob sa numerong otso kaya kung ito ang magiging paborito mong numero ay tiyak na mas susuwertehin ka sa buhay. Kung may paborito kasi tayong numero ay gugustuhin natin itong laging nakikita. Kaya kung ito ay laging sinisimbolo sa’yong negosyo at sa inyong relasyon ay talagang susuwrtehin ka.

Ang isang bagay ay mahirap patunayan hanggang hindi ito nakikita kaya mas maigi pang subukan mo at tiyak na masisiyahan ka sa magiging resulta. Siyempre, hindi naman kita pipilitin pero kung talagang nais mong suwertehin ay gagawin mo ito. Ikaw din naman kasi ang higit na makikinabang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here