Ang New Year’s Resolutions Ng Mga Sawi

0
119

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Ano pa nga ba ang magiging new year’s resolutions ng mga taong loaded na sa happiness? Yung mga taong tagumpay sa pag-ibig? Mukhang kailangan na lang nilang panatilihin ang romance sa kanilang love affair upang mas higit na maging matatag ito at makulay. Pero ang mga sawi, siguradong loaded din sila, hindi sa happiness kundi sa listahan ng kanilang new years resolutions. Kung isa ka sa kanila, maaaring nasa listahan mo ang mga sumusunod na new year’s resolutions.

1.Mag-iisip na ng tama. Hindi na magiging padalos dalos sa pagdedesisyon lalo na kung ito ay may kinalaman sa usaping pag-ibig. Karaniwan kasi kapag in love ang isang tao siya ay nakakapagdesisyon agad-agad nang hindi na napag-iisipan kaya naman siya ay nagkakamali at nagiging sawi.

2.Magfofocus sa mahalagang bagay. Upang maiwasan na malagay sa abang sitwasyon kapag ang inibig mo ay hindi tumutugon sa iyong damdamin, kailangan ang atensyon mo ay mabaling sa kung ano ang mas mahalaga. Tulad ng pamilya, trabaho, kaibigan o kaya ay libangan.

3.Hindi na magpapakatanga. Kung hindi ka na makakaiwas sa hindi magandang sitwasyon sa pag-ibig, may paraan naman para makalabas ka dito. Huwag ka ng magpakatanga gaya ng dati. Bumitaw ka na sa tao na hindi naman karapat dapat sa’yo. Huwag kang tumambay sa sitwasyon kung saan ikaw ang mas nasasaktan.

4.Maghihintay sa tamang pag-ibig. Hindi ka na bumabata kaya naman medyo nagmamadali ka na sa paghahanap sa iyong ‘the one’. Pero this time ay matututo ka nang maghintay dahil hindi mo na gugustuhin pang magkamali. Kailangan mong habaan ang iyong pisi upang sa huli ay hindi magsisi.

5.Tatanggapin ang kapalaran. May mga tao na ipinanganak upang maging kabiyak ng iba at meron naman sadyang nakatakdang mag-isa. Pero hindi ibig sabihin ay magiging malungkot ka na kung isa ka sa may kapalaran na walang kapareha. Maraming paraan para maging masaya ang isang tao at habang ikaw ay nabubuhay dapat mo itong matuklasan. Kung matatanggap mo ang iyong kapalaran maghahatid ito sa’yo ng kakaibang kaligayahan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here