ANG NASA AT ANG PLANET X

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Kapag pinag-uusapan ang Planet X, asahan mong babarahin ka ng mga taong hindi aruk ang kahiwagaan tungkol dito. Kung ang naturang planeta ay talagang umiiral, sasabihin umano ng gobyerno (ng Estados Unidos) ang tungkol dito.

Nagtatanong tuloy ang mga taga- NASA nang ganito: “Are We Alone in the Universe?”  Noong taong 1992, ang video ni Zecharia Sitchin ang unang nagpahayag ng tungkol sa Planet X, na bukod pa sa NASA Press release.

Ang video ay may pinamagatang: “Are We Alone in the Universe? Na mas pinaigi pa noong taong 2003. Ito ay patungkol nga sa naturang planeta na tinatawag ding Nibiru ni Sitchin.

Ang hindi maipaliwanag na paggalaw ng orbit ng planetang Uranus at Neptune ay nagtuturo pa sa malaking point ng outer solar system body may timbang 4-8 beses na bigat sa planetang Earth. Ang highly tilted orbit ay may layong 7 bilyong milya mula sa araw. Ayon kay Sitchin, ang pagkatuklas na ito ng NASA ay isang bombshell na hindi inaasahan ng sangkatauhan.

Noong nakalipas na 10 taon, ang gobyerno ng US sa pamamagitan ng Naval Observatory ay lumayag para sa pagtuklas ng Planet X. Ang lider ng team na nagsasaliksik sa naturang proyekto ay si Dr. Harrington na sumang-ayon sa mga ancient evidence na aking inilatag. Noong panahong iyon, ang The New York Times ay nagsulat ng isang artikulo tungkol sa pag-iral ng post Plutonian planet na pinangalanan… (Nibiru)

Wala nakong pagdududa noong mga panahong iyon. Sa aking paniniwala at pananaliksik na ginawa rin ng awtoridad, ang pag-iral ng Nibiru ay opisyal nang kinompirma.” pahayag ni Zecharia Sitchin.

Kapag pinag-usapan ang Planet X, asahan mo na ang pambubuska ng mga taong hindi naniniwala rito. Tinatawag din ng ibang nagdududa na Eris o Tenth Planet ang Nibiru. Ang object ng Eris ay mas malaki ng kaunti sa Pluto at may 60% laki sa sukat ng ating buwan. Noon ko pa sinasabi na ang Pluto ay hindi isang planeta, kundi isang lifeless rock object sa kalawakan. Ngayon nila napatunayan na tama ang hinuha ko noong taong 1983. .” ani pa ni Sitchin noong Setyembre 21, 2009 sa Planet X at 2012 Forum.

Kinumpirma naman ni Steve Russell sa kanyang panayam noon kay Sitchin noong Enero 10, 1983 na ito ( Sitchin) ang unang nakatuklas ng Planet X.

Noong Enero 26, 1983, 16 araw pagkatapos ihayag ni Sitchin ang panayam sa kanya ni Russell sa The New York Times, ini-launched ng NASA ang Infrared Astronomical Satellite (IRAS). Doon ay nakakuha ng IRAS ng satellite image ng Planet X noong nagsagawa sila ng sky survey noong araw ding iyon. Apat na araw pagkatapos noon, lumabas sa artikulo ng New York Times ang tungkol sa Planet X noong ika-30 ng Enero 1983, araw ng Linggo.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here