Ang Naidulot ng Pagsasara ng Kapamilya Network

Maraming mata ang lumuha dahil sa pagsasara ng Kapamilyar Network, hindi lamang dahil sa marami ang nawalan ng trabaho kundi dahil sa maraming Pilipino ang nakaka-miss sa mga programa ng Kapamilya Network. Iyon nga lang, kahit na ano pang pagluha ang gawin natin ay hindi na mababago pa ang napagdesisyunan.

Sa ilang buwan na hindi umiere ang network na ito ay mas nakilala natin ang mga artista ng Kapamilya Network. Mayroon na hand ipaglaban talaga ang kanilang karapatan at hindi iniisip ang banta ng Covid 19, mayroon naman na gumawa pa ng video para ipakita ang kanyang galit at mayroon din naman ang napagtawanan dahil sa kanyang naging salita na inamin niyang hindi rin niya naintindihan.

Gayunpaman, sa kabila ng mga pinagdadaanan ng mga mga artista na dumaan sa matinding pagsubok dahil sa maraming naapektuhan ng pagsasara ng kanilang kumpanya, naging kahanga-hanga pa rin sa mata ng publiko ang matinee idol na si Daniel Padilla. Noon kasing August 12 ay nabangga ng tricycle driver ang kanyang 1967 Ford Mustang sa Fairview, Quezon City. Sa halip na magalit siya ay binigyan pa niya ng pera ang nakabangga sa kanya.

Kaya naman sa pangyayaring iyon ay mas kuminang pa ang bituin ni Daniel Padilla. Sa panahon kasing nababalot ng problema ang paligid ay hindi niya nagawang pairalin ang init ng ulo. Sa halip ay pang-unawa pa ang kanyang ipinagkaloob. Ah, talagang patunay ito na ang kabutihan ng kanyang puso ay hindi lang nagtatapos sa harap ng camera.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here