Ang naging aral ni Edward Romarez

Ang tuberculosis o TB ay isa sa mga kinakatakutang sakit ng mga tao dahil ito’y nakakamatay.

 

Si Edward Romarez ng Mambaling, Cebu City ay isa sa mga tao’ng nadapuan ng sakit na TB dahil sa sobrang pagod ng katawan o over fatigue. Dati, si Edward ay nakatira sa Mambaling, Cebu City at nagtatrabaho bilang isa’ng construction worker at ang ginagawa nila sa trabaho nila ay ginigiba ang mga bahay na nabili ng kanilang amo at aayusin uli ito upang ibenta ng mahal. 

Ayon Kay Edward, araw-araw ay pagod siya sa trabaho at laging pinag-pawisan ang kanyang likod pero binabalewala lang niya ito at gumagamit pa siya ng drugs. Isang raw, nakaramdam siya ng sakit sa kanyang likod ngunit binabalewala pa rin niya ito, dahil akala niya muscle pain lang ito dahil sa klase ng kanyang trabaho. Subalit, isang araw ay nilagnat siya at hindi ito nawawala hanggang sa madala siya sa Mambaling Health Center at mabigyan ng gamot. 

Pagkatapos niyang macheck-up ng doctor, napag-alaman niyang mayroon siyang Tuberculosis. Simula noon ay iniiwasan na siya ng kanyang mga kaibigan at mga kakilala niya dahil nagkaroon siya ng nakakahawang sakit. Tanging nanay lang niya at batang kapatid na babae ang hindi nang-iwan sa kanya. At dahil nakakahawa ang sakit ni Edward Romarez ay sinabihan siya ng doctor na magtungo sa probinsya, doon sa hindi mataong lugar upang hindi siya makahawa. 

Ngayon sa San Rafael na nakatira si Edward Romarez ngunit, may regular checkup pa rin siya hanggang ngayon at nagtatrabaho pa rin ng gamot. 

Tatlong taon na ang nakalipad simula noong madapuan siya sa naturang sakit, ngunit ayon Kay Edward ay mas mabuti pa sanang namatay na siya agad kaysa nahihirapan siya hanggang ngayon, dahil sa tuwing siya’y naglalad ay hinihingal siya kaagad at sobrang sakit pa ng kanyang mga buto. Minsan nagbalik tanaw si Edward sa kanyang buhay at nasabi niya sa kanyang sarili na sana’y hindi niya inabuso ang kanyang katawan. Napaiyak siya minsan at pinagsisihan niya ang kanyang kamaliang  nagawa sa kanyang sarili at naisip niya minsan magpakamatay, subalit naisip din niya ang kanyang nakababatang kapatid at ang nanay niya na nangangailangan pa ng kanyang tulong. Kaya kahit may sakit siya at nahihirapan ay nagtatrabaho pa rin siya bilang construction worker sa San Rafael, Barili Cebu. 

Nasa huli lagi ang pagsisisi kaya isipin nating mabuti kung tama ba o mali ang ating ginagawa.

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

SHARE
Previous articlePamahiin Patay: Ihanda mo ang sarili mo
Next articlePilipino sa Mundo ng Animation

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here