ANG MYSTICAL POWERS NINA ANA KINGSFORD AT EDWARD MAITLAND ( Unang Bahagi)

0
58
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Ngayon ating kilalanin at alamin ang pambihirang kakayahan ng isang babaeng doktor na si Dr. Anna Bonus Kingsford na sinasabing mayroong ‘Spiritual Thunderbolt’. Kumita ng unang liwanag ( isinilang) si Kingsford noong ika- 16 ng Setyembre 1846 sa Stratford, England at pumanaw naman noong ika- 22 ng Pebrero 1888 sa edad na 41-anyos. Siya’y kilalang indibidwal na laban sa vividsection, vegetarian, manunula at women rights campaigner.

Ang naturang kakayahan ng bebot ay isang rendition o bisa umano ng evil eye. Ang mga taong may taglay nito ay may kakayahang manakit, puminsala, at pumatay ng kanyang kapwa tao. May kakayahan din siyang mamakita ng mangyayari sa hinaharap at aparisyon.

Kabilang sa mga naging biktima ng makamandag o nakakamatay na kakayahan ni Dr. Kingsford  ay ang pamosong si Louis Pasteur, Dr. Paul Bert, at Dr. Claude Bernard. Ang mga nabanggit ay nagdusa ng matinding kirot na hated ng spiritual thunderbolt ng doctor na bebot. Ang kanyang rason kung bakit niya ginawa ito sa mga nabanggit na mga doktor ay dahil sa pananakit ng mga ito ng mga hayop. Naniniwala kasi si Kingsford na ang mga hayop ay may kaluluwa at nararapat lamang na igalang.

Ang pagkaratay sa banig ng karamdaman ni L. Pasteur ay kanyang iginagawad na kung saan ay nakalagak ang kelot sa isang hotel room sa French Riviera. Mula sa Inglatera ay binira ng ‘spiritual thunderbolt’ ng bebot si Pasteur na nagpahirap sa katawan ni Pasteur. Ang epekto ng kanyang thunderbolt sa katawan ng kanyang mga naging biktima ay matinding pananakit ng katawan, hirap sa paghinga, atake sa puso, at pagkaparalisa.

Bago pa natin ilahad ang ilan sa kronolohiya ng kanyang paggamit sa kanyang pambihirang kakayahan ay kilalanin muna natin siyang maigi. Lumaki si Anna na maganda ngunit sakiting bata. Siya ay anak ng isang mayamang merchant sa London. Ang kanyang ina ay isang dominante at mabagsik na babae.

Gusto ni Anna na maging isang spiritualist. Bukod dito, pambihira rin ang talas ng kanyang pag-iisip na nagagamit niya sa akademya, literatura at sa siyensiya. Ngunit, natuon ang kanyang pansin sa okultismo  at itim na karunungan habang sa siya’y nagdadalaga. Nang sumapit siya sa gulang na 21, siya’y tumangkad, naging seksi, at naging kulay mais ang buhok. Umibig siya sa kanyang pinsang si Algernon Godfrey Kingsford at sila’y ikinasal noong taong 1867. Babae ang kanilang naging anak na pinangalanang Eadith.

Noong taong 1873, pagkatapos na mabasa ang nobela na By and By: “An Historical Romance of the Future” na ang sumulat ay si Edward Maitland (1824-1987) ay nagawang makipagtalastasan ni Anna rito. Bilang isa ring nobelista at espirituwal na awtor, si Maitland ay isa ring forty-niner sa California gold rush at isang land commissioner sa Australia. Dahil sa pagkakaugnay nila sa mysticism at espiritual matters, ang dalawa ay nagkasundong magkita sa London art gallery noong taong 1874.

Binisita si Maitland ni Anna kasama ang mister nito na si Algernon. Sina Anna at si Edward ay may parehong mystical visions at mga pangitain. Si Anna ay nagagawang makipagtalastasan sa mga espiritu sa mundo ng spirit world kapag nakakatulog. Ang dalawa ay naging magkasama rin sa panulat sa ilalim ng impluwensiya ng direktang pagsubaybay ng mga espiritu. Tinatawag sila ni Anna na mga ‘Illuminations’.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here