ANG MISTERYOSONG MENSAHE NG MGA SIMBOLO SA ‘PHAISTOS DISC’

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Ano ba ang tinatawag na ‘Phaistos Disc’? Anong misteryo ang bumabalot sa hugis pinggan na luwad na relikyang ito? Ayon sa mga mananaliksik, ang istorya ng nasabing luwad ay tila kahalintulad ng istorya sa pelikulang Indiana Jones.

Ito’y natuklasan ng Italyanong archeologist na si Luigi Pernier noong Hulyo 3, 1908 sa Minoan palace-site sa Phaistos sa isla ng Crete na sakop ng Gresya. Ang disc ay yari sa fired clay at nagtataglay ng mga  ‘hieroglyphics’. Sinasabing maaaring ginawa ng mga Minoan ang nasabing plato noong Panahon ng Tanso (Bronze Age) noong Ikalawang Milenyo B.C. Ang ibang arkeologo naman ay nagsasabing ginawa ito noong 1850 B.C hanggang 1600 B.C.

Nang ito’y matuklasan, may ilang arkeologo ang nag-alinlangan sa pagiging authentic nito. Gayunman, maraming arkeologo ang tumanggap sa pagiging tunay ng Phaistos Disc at hindi planted lamang na relikya upang manlinlang ng mga tao. Mismong si Pernier ay nagpapatunay sa pagiging tunay nito at ng pagkakatuklas ng Arkalochori Axe na may kahalintulad ding simbolo kagaya sa una kabilang na ang simbolo ng hayop, tao, bagay at mga halaman

Gayundin sa pagkakatuklas ng Knossos ( the Mavro Spilio ring) noong 1926 na may simbolo ng Linear A inscription na katulad sa Phaistos Disc, pati na rin sa sealing na nakita noong 1955 na may kagaya ring simbolo sa sign 21 ng Phaistos. Kaya, ito umano ay nagpapatotoo lang na ang Phaistos Disc ay isang genuine Minoan artifact.

Ito’y pinaniniwalaan na dinisenyo tinatayang 1800-1600 B.C. May ilang iskolar na naniniwala na ang hieroglyphs dito ay may hawig sa simbolo ng Lienar A at Lienar B, scripts na naunang ginamit noong sinaunang isla ng Greek na Crete. Ang problema nga lamang, hindi maunawaan ang mga simbolo o ibig ipahiwatig ng nasabing konteksto. Kung kaya, ang nasabing disc ay nanatiling isa sa pinakabantog na arkeolohiya na di malutas-lutas. May kabuuang 242 tokens sa disc at binubuo ng 45 kakaibang sagisag sa magkabilang gilid o Side A at B.

Ilang dekada pagkatapos ma-diskubre, walang konkretong paliwanag ang mga nananalisik dito. Ang mga simbolo ay nahahati sa mga cluster na ibinubukod sa bawat paikot na linyang pabilog. Kada isang cluster ay binubuo ng 45 signs na tinandaan ni Arthur Evans mula 1-45. At ang pagbibigay numero ni Evans ay naging reperensiya ng ng ilang mga mananaliksik.

Ayon sa isang iskolar na si J. Best at S. Davis, ang mga simbolo ay maihahalintulad sa Anatolina hieroglyphs o kaya’y ng Egyptian hieroglyphs ayon naman kay A. Cuny. Sa wakas, dahil sa mabusising pag-aaral sa mga simbolo, nabigyan ni Louis Godart ng mga pangalan ang mga bawat simbolo noong taong 1995. Kung saan, ang mga ito ay siya ring simbolong nakikita natin sa mga pang-araw-araw na pamumuhay. Halimbawa, ang no. 1 sign ng plato ay nangangahulugang pedestrian lane at ang sign no. 10 ay tumutukoy sa sibat.

Para naman kay Helene Whittaker, ang disc aniya ay maaring isang game board na pinaglilibangan ng mga Minoan kagaya ng Scrabble, Monopoly at Millionare’s Game ngayon. O dili kaya aniya, isang symbolic game board. Ang nasabing relikya na gawa sa clay tablet ay nakalagak ngayon sa Herakleion Archaeological Museum.

Para lubusang maunawaan ang tungkol sa Phaistos Disc, makabubuting tingnan ang documentong nakasulat nito sa internet. Kung saan, sa pamamagitan ng mga simbolo ay makagagawa ang isa ng mensahe na hindi nababatid ng iba. Kundi, yaon lamang nakakaintindi sa pattern ng nasabing plato. Kung kaya, ang nasabing di malutas na misteryo rito ay nasagot na. Na parang lang sumasagot sa mga sagisag o simblo sa pagbabasa halimbawa ng mapa o ng mga emojis sa Facebook. Na kapag pinagdikit-dikit ay makakagawa ka ng hiiden message o mga salita.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here