ANG MISTERYO TUNGKOL SA NEW JERSEY DEVIL (Unang Bahagi)

0
168
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Ating tatalakayin ngayon ang tungkol sa misteryo at sinasabing urban legend tungkol sa ‘The Jersey Devil’. Ang naturang nilalang ay sinasabing naglalagi o nananahan umano sa Pine Barrens ng Southern New Jersey. Sinasabing ng taga-roon, ang naturang creature isang lumilipad na parang kambing o kabayo na nakatayo at may pakpak ng isang paniki. Bukambibig na ito ng mga taga- Jersey sa halos nakalipas na 300 taon. Ikinapi na rin ito bilang pangalan ng New Jersey team na New Jersey Devil sa National Hockey League.

Ang misteryo nito ng pinagmulan nito ay nag-ugat noong taong 1735. Ang residente nga ng Pine barrens na si Mother Leeds ay nagdadalangtao sa ika-13 pagkakataon. Ang naturang ginang ay ilan lamang sa mga kauna-unahang residente o nanirahan sa New Jersey. Lasenggo ang kanyang asawa at mataas ang libido. Dahil sa kanyang galit sa kanyang ika-labingtatlong pagdadalang tao at sa paniniwalang magdadala ito ng kamalasan, itinaas ni Mother Leeds ang kanyang kamay sa kalangitan at nagsabing: “Hayaang ang isang ito  ay maging demonyo”. Pero, ayon sa kuwento ng iba, may kinausap na demonyo ang ginang at sinabihang gawin demonyo ang sanggol.

Nang maipanganak ang kanyang sanggol, kakatwang nagiging parang mukhang kambing ang mukha nito. habang lumalaki, kakatwang para itong nagiging Sabbath Goat si “Baphomet” o taong kambing na isang mythical creature. Nagkaroon ito ng isang pares ng pakpak at lumilipas sa kapaligiran ng Pine Barrens. TInatawag ng ibang taga-roon maging ng kanugnog pook ang nilalang na “The Goat Man”

Nang maisilang ang sanggol na lalaki ay normal naman ang hitsura nito. Subalit, ang nakakahindik na hiling at sumpa ni Mother Leeds sa bata ay tila nagkaroon ng kaganapan. Habang nagtatagal, unti-unting nagbabago ang hitsura ng sanggol. Ang napakagandang sanggol na lalaki sa loob lamang ng ilang minuto o oras ay naging isang kakatwang nilalang na walang kaparis sa mundo.

Ang walang kamuwang-muwang na sanggol ay nagkaroon ng sungay, tumubo sa kanyang mga kuko sa daliri ang tila pangalmot. Tinubuan din siya ng pakpak ng paniki sa likuran at tinubuan ng buhok at balahibo sa buong katawan.

Ang kanyang mga mata ay naging kulay pula at nagiging nakakatakot na ang mukha niya na parang halimaw. Dahil sa isinumpa siya ng kanyang ina, dinaluhong ng Jersey Devil ang ginang. Maging ang mga nadidiri at natatakot sa kanyang hitsura ay dinaluhong din ng kakatwang nilalang. Sa isa pang bersiyon ng kuwento, itinapon umano ni Mother Leeds ang unwanted child sa isang basement upang ito ay mamamatay. Subalit, patuloy lang itong lumaki at kalaunan ay nakatakas.

Ayon pa sa ibang sabi-sabi at kuwento, habang bumibisita sa Hanover Mill Works si Commodore Stephen Decatur upang siyasatin ang kanyang binago niyang cannonballs, nakakita siya ng lumilipad na nilalang na kinakampay-kampay nito ang pakpak. Binugahan niya umano nito ng apoy ang cannonball. Ngunit walang anumang naging epekto sa kakatwang nilalang.

Si Joseph Bonaparte na nakakatandang kapatid ni Emperor Napoleon Bonaparte ay nagsabi rin na nakakita umano siya ng Jersey Devil habang nangangaso sa Bordentown, New Jersey estate noong taong 1820.

Noong mga ika-19 siglo, ang Jersey Devil ay isinisisi sa mga pagpatay sa mga livestocks gaya ng tupa, kambing, baboy, baka, manok, at pabo. Pati na rin ang kakatwang mga pag-atake sa mga tao at nakakatakot na tinig na umaalingawngaw. Noong kaagahan ng ika-20 siglo, ilang bilang ng tao sa New Jersey at karatig nitong mga estado ay nagsabing nakita nila ang mga bakas ng Jersey Devil. Ang isang labi na natuklasan noong taong 1957 ay sinasabing labi ng ng naturang nilalang.

Noong taong 1960, ang ilang mangangalakal sa buong Camden ay nag-alok ng $10,000 dolyar na pabuya sa sinomang makakahuli sa Jersey Devil. Kapag nahuli, gagawa naman ng ilan ng private zoo upang doon ilagak ang naturang nilalang.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube 8

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here