ANG MISTERYO TUNGKOL SA NEW JERSEY DEVIL (Ika-3 Bahagi)

0
69
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Kung ating iisa-isahin at ilalahad pa ang ilang tala tungkol sa lagim na hatid ng Jersey Devil, kulang na kulang ang espasyong ito. Kinuha lamang natin ang mahahalagang tala at sapat na iyon upang malaman ninyo ang tungkol sa kanya. May ilan pa ring nagsasabi na peke o hindi totoo ang tungkol sa kanyang kuwento. Subalit, mahigit sa 2,000 libong saksi ang nagpapatunay na nakita nila ang Jersey Devil.

Sinasabi noon sa ulat ni Ben Franklin noong taong 1730 na mayroong naganap na witchcraft trial malapit sa Mt. Holly. Sabi ng ilang matatanda, si Mother Leeds daw umano ay isang mangkukulam at ang pagkakaluwal niya sa sanggol na resulta ng Jersey Devil ay sumpa umano ng ibang mangkukulam sa kanya.

Ang totoo, noong maliit pa lamang ang naturang nilalang o bata pa ay nakikita na ito ng mga tao sa Elk township malapit sa Pine Barrens na kung saan siya isinilang. Hindi siya pinatitira ng kanyang ina sa bahay. Kung kaya sa gubat at kasukalan siya naglalagi. Pinapasyalan niya minsan ang kanyang ina. Subalit hindi siya nito pinapapasok sa kanilang pintuan. Kung kaya, nalantad sa lamig, gutom, at diskriminasyon ang kawawang bata.  May taas na tatlong talampakan ang sinasabing Jersey Devil. Wala naman itong ginagawang masama noong una. 

New Jersey Devil Part One

New Jersey Devil Part Two

Nariyang nakakaranas din siyang apihin hanggang sa lumaban at dito lumabas ang kanyang kabangisan. Na kailangan niyang pumatay kaysa siya ay patayin.  Kailangan niyang lumaban sa mga nang-aapi sa kanya upang mamuhay ng malaya at maayos. Ang kanya lamang pagkakamali, nagnenenok siya ng mga hayop gaya ng manok sa mga bukid at bahay-bahay at kinakain para maibsan ang gutom. Ngunit, minasama naman iyon ng mga residente at sinasabing naghahasik ng lagim ang naturang bata.

May mga ilang nakasaksi sa Jersey Devil sa Camden at sa Bristol, Pennsylvania. Pinaputukan siya ng mga paltik ng mga pulis ngunit hindi nila ito napuruhan. Ilang araw pa ang nakalipas pagkatapos ng kanyang pag-atake sa Camden, umatake ang Jersey Devil sa dis-oras ng gabi habang nagpupulong ang social club.

Agad namang lumipad palayo ang naturang nilalang ng susukulin siya ng mga tao. Sa Haddon Heights, umatake rin ang JD at sinabi ng isang saksi na para itong isang kangaroong lumilipad. Sa mga taga- West Collingswood, nakita ang JD sa ibabaw ng bubong  at sinabi ng mga taga-roon na para isa itong ostrich-like-creature.  Binanatan siya ng mga bumbero sa pamamagitan ng hose at niratrat ng malakas na tubig. Gumanti ang JD sa kanila sabay lipad palayo.

Sinabi naman ng mga taga- Bridgeton at Millville na tinatangay ng binansagang Jersey Devil ang kanilang mga alagang manok. May isang babaeng saksi na taga- Camden na nakita niya ang naturang nilalang na dinaluhong ang kanyang alagang aso at gusting kainin. Pinalo niya umano ito ng walis tambo at lumipad naman palayo ang JD.

Dahil sa hit na hit nang balita sa Jersey Devil, sa kabila na tumumal ang ilang negosyo ay nakaisip ang ilan na pagkakitaan ang tungkol sa kanya. Isang gimik ang ginawa ng mga taga- New Jersey. Gumawa sila ng laruan na katulad ng naturang nilalang ang hubog, T-shirts, at ginawan pa ng comic book.

Patuloy pa rin umano ang pag-atake ng JD. Noong 1951, umatake ito sa Gibbsboro. Ang mga tao roon ay 2 araw nilang nakita ang JD. Noong taong 1966, umatake uli ito sa bukid at dumekwat ng 31 pato, 3 gansa, 4 na pusa, 2 aso ang kanyang piñata dahil kahol ng kahol. Isa sa asong tinipok nito ay German Shepherd na kung saan ay wakwak ang lalamunan nito. At noong 1981, nakita ng mga bagets na magsyota ang JD sa Atsion Lake sa Atlantic County.

Noong taong 1987 sa Vineland, isang German Shepherd ang natagpuang wakwak ang katawan at sabog-sabog ang mga lamang –loob na natagpuan ng layong 25 talampakan.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here